Nash at Alexa
Alexa may problema pa kay Nash!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 8, 2018 - 12:00am

Hindi na raw magkaibigan sina Alexa Ilacad at Nash Aguas ngayon. Matatandaang pumatok ang tambalan nina Alexa at Nash na mas kilala sa tawag na NLex ilang taon na ang nakalilipas. “We grew up and we grew apart, but we’re okay, we’re civil,” makahulugang bungad ni Alexa. “I wouldn’t call it being friends po. Kasi para po sa akin, a friend is someone na you have a bond with and you share a special affection with or someone you call in the middle of the night when you’re not okay and we’re not there,” dagdag ng aktres. Umaasa si Alexa na darating ang tamang panahon na maaayos ang gusot sa pagitan nila ni Nash. “Hindi naman po ako ‘yung tipo ng tao na nagho-hold ng grudges,” giit ng dalaga.

Nagkaroon ng espesyal na ugnayan sina Alexa at Nash at aminado ang aktres na talagang minahal niya ang binata noon. “Yes, of course Tito Boy. I’m so open, let’s say in the future and we’re both okay and we’re ready to start again, I’m good,” pagtatapat ni Alexa.

Ayon pa sa aktres ay kakaiba ang naging relasyon nila ni Nash noon. “I’d call it magical. He still holds some of the best memories of my life,” pagbabahagi ng dalaga.

Walang kasintahan ngayon si Alexa at ayon sa aktres ay hindi pa siya nakahandang makipagrelasyon muli. “There are some asking but I’m not ready. Maybe I haven’t met the right guy, which is why I’m not ready yet,” pagtatapos ni Alexa.

Kisses matagal pinangarap maging bida

Masayang-masaya si Kisses Delavin dahil isa siya sa mga bida ng pelikulang Walwal. Matagal na raw pinapangarap ng dating Pinoy Big Brother housemate na makapagbida sa isang malaking proyekto. “I feel thankful kay God kasi He hears what I wish for, parang pinakikinggan niya ang wishes mo kahit mahina lang ang boses mo. Kahit hindi mo nga minsan sabihin ‘yung wishes mo gina-grant niya. Sometimes kasi ‘pag nandiyan na talaga, doon mo lang masasabi na iniisip ko lang siya dati,” nakangiting pahayag ni Kisses. Mula nang lumabas sa Bahay ni Kuya noong 2016 ay kabi-kabila na ang naging proyekto ng dalaga katulad ng TV commercial, magazine covers, album at concert.

Nagpapasalamat si Kisses sa mga tagaha­ngang patuloy na sumusuporta sa lahat ng kanyang mga ginagawa. “I’m so thankful kasi I’ve been waiting for this all my life. Now it’s here and especially sa mga supporters ko na always there for me,” dagdag ng aktres.

ALEXA ILACAD NASH AGUAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with