Sikat na TV and movie personality maramot sa mga kasambahay, mas binubusog ang mga lalaking bisita
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2018 - 12:00am

Matagal nang umalis sa poder ng isang sikat na personalidad ang kanyang mga kasambahay. Tatlo ang sabay-sabay na umalis kasama ang driver ng sikat at mayamang-mayaman nang personalidad sa telebisyon at pelikula.

?Ang dahilan—very generous ang kanilang boss sa ibang tao, pero sa kanila ay sobrang kuripot ng sikat na personality.

?Kuwento ng isang source, “Hindi sila gaanong nagtagal sa bahay ni ____(pangalan ng sikat na TV and movie personality). ‘Yung dalawa, e, nakatatlong buwan lang, ‘yung isa naman, e, one month lang ang itinagal.

?“’Yung driver, e, sandali lang din ang ipinagserbisyo sa kanya, kasi nga, feeling nu’ng tao, e, masyado siyang napapabayaan ng boss niya.

?“Sa kuwento ng mga kasambahay niya na sa ibang artista na namamasukan ngayon, e, sobrang higpit ng boss nila sa mga gastusin sa bahay. Talagang kailangang detalyado raw ang lahat-lahat, kailangang may listahan.

?“Ginagawa naman ‘yun ng pinaka-head nila sa bahay, pati nga ang pamalengke nila, nakadetalye kung anu-ano ang mga binibili ng cook nila. Pero kapag may mga iniimbitahan daw na grupo ng mga kalalakihan ang boss nila, e, sky is the limit.

?“Talagang bonggang-bongga ang mga ipinabibili niyang food, kumpleto pati ang  mga panghimagas, lumalabas daw ang pera ng boss nila kapag may mga bisita siyang kalalakihan.

?“Natural, hindi ‘yun nagugustuhan ng mga kasambahay niya! Bakit sila nga naman, e, pinagdadamutan ng boss nila, pero ang mga lalaking nagpupuntahan sa bahay niya, e, busog na busog at dumidighay sa sarap ng mga pagkaing ipinabibili niya,” kuwento ng aming impormante.

?Mga bagong kasambahay na pala ang naglilingkod ngayon sa sikat na TV personality, pero ganu’n pa rin ang kuwento, mahigpit siya sa pananalapi pero kapag nagpupuntahan sa kanyang bahay ang grupo-grupo ng mga kalalakihan ay nalalaslas ang kanyang bulsa.

?Balik-kuwento ng aming source, “‘Yun na kasi ang kaligayahan niya, ang magpapunta ng mga boys sa house niya. Natural, masasarap na food ang ipinabibili niya, para mawili ang mga ‘yun sa pagtambay sa bahay niya!

?“Nakakaloka rin ang trip ng personality na ‘yun, pinababayaan niya ang mismong mga taong nasasakupan niya, samantalang ang mga ‘yun ang pinakikinabangan niya.

?“Grabe! Grabe! Grabe!” nasabi na lang ng aming source.

?Ubos!

Manny walang pagbabago, ‘di nagpadala sa kayamanan

Kundi busilak ang tamang salita na makapaglalarawan sa puso ng Pambansang Kamao ay hindi na namin alam kung ano. Si Senador Manny Pacquiao ang isa sa iilang sikat na personalidad na nasaksihan naming hindi pinagbabago ng kayamanan at popularidad.

?Matagal naming nakasama ang Pambansang Kamao nu’ng hindi pa siya binibiyayaan ng kaliwa’t kanang oportunidad at tagumpay sa boxing. Matagal din namin siyang nakasama nu’ng nagsisimula na siyang katakutan ng mga boksingero sa buong mundo dahil sa tindi ng kanyang kamao.

?Pero kapag nakikita namin siya ngayon ay wala kaming nakikitang pagbabago kay Pacman. ‘Yun pa rin siya, low key sa kabila ng kanyang katanyagan at kayamanan, hindi nagbabago ang kanyang pagiging mapagkumbaba at dakila pa rin ang kanyang puso.

?Kinasihan ng kapalaran ang tindero ng ice cream na si Mang Lino. Isang libong piso ang nakonsumo ng grupo ni Pacman, tatlong libo ang ibinigay sa kanya ng Pambansang Kamao, pero hindi pa du’n nagtatapos ang kuwento.

?Niregaluhan niya ng bagong bahay ang ice cream vendor, kumpleto pa ‘yun sa mga kagamitan, kaya hindi nito malaman kung anong pasasalamat ang kanyang itatawid sa sikat na personalidad.

?Nakakaawa naman talaga ang matanda, sa kabila ng kanyang kahinaan at kahirapan ay patuloy pa rin itong nagsisikap sa buhay, ‘yun ang unang-unang dahilan kung bakit ito sinaluduhan ni Senador Manny Pacquiao.

?Bibihira ang katulad ng Pambansang Kamao na hindi nagpapadala sa kayamanan at katanyagan. Naturalesa na niya ang pagiging mapuso. Kaya naman patuloy siyang bini­biyayaan sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

MANNY PACQUIAO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with