^

PSN Showbiz

Pictorial ni Marian binasag ni Dingdong!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Pictorial ni Marian  binasag ni Dingdong!
Marian at Dingdong

Kinaaliwan ng fans ang comment na “saan ang gera?” ni Dingdong Dantes sa photo ni Marian Rivera na pinost after ng Sunday PinaSaya last Sunday. Kuha ang picture sa rooftop ng GMA Network na paboritong pictorial ground ng mga taga-SPS. Lahat ng girls ng show ay mahilig sa pictorial sa rooftop, iba-iba lang sila ng pose at gimik.

Speaking of Dingdong, matindi pala ang paghahandang ginawa nito para sa role ni Sid sa Sid & Aya (Not A Love Story). Nalaman namin na binasa ni Dingdong ang mga librong Stockmarket 101 at The Black Swan pati ang Confessions of an Insomniac. At ang resulta noon ay ang mahusay niyang pagganap sa role ni Sid.

Samantala, nadagdagan na ang international screening ng Sid & Aya (Not A Love Story) dahil bukod sa USA at Italy, mapapanood na rin ang Viva Films movie sa Middle East at Hongkong.

Tom biglang nawala sa serye

Hinahanap ng viewers ng The Cure si Tom Rodriguez dahil sa dalawang episode last week, Thursday and Friday ay wala siyang eksena. Nag-worry ang fans ng aktor lalo’t sa story, pinalabas na namatay ang kanyang character.

Nagtanong kami at nalamang tuluy-tuloy pa rin ang taping ni Tom sa epidemic drama at MWF pa rin ang taping schedule nito. Tuwing TTHS naman ang shooting ni Tom ng horror movie na Maledicto.

Sa last press visit namin sa taping ng The Cure, nabanggit ni Tom na may mga twist sa story ng teleserye, baka ang two episodes na wala siya ay bahagi ng twist na kanyang nabanggit.

Magaling na aktor dalawa-dalawa na ang manager

Dalawa na ba ang managers ng isang magaling at sikat na aktor? Natanong namin ito dahil sa post ng isang talent manager, hindi lang nito binati ang actor sa acting award na napanalunan, nakasulat pa na talent na ito ng kanyang management company.

Kinongratulate rin ang aktor ng alam naming manager niya at sa post nito, nakalagay na under his talent management pa rin ang aktor.

Naalala naming minsan na naming tinanong ang manager ng aktor kung totoong may kumausap sa aktor na ibang talent manager para lumipat sa kanya ito. Hindi sumagot ang talent manager, pero sa facial reaction nito, alam na totoo ang balita.

In fairness sa manager ngayon ng aktor, mula nang lumipat sa kanya ang  alaga, hindi na ito nawalan ng project at magaganda pa at tumatatak sa tao. Sa bagay, ang aktor pa rin ang magde-decide kung mananatili siya sa kanyang manager o lilipat na naman nang magma-manage sa kanya.

Barbie nakipag-bonding sa mga taga-siyete

Nang makausap namin si Miguel Tanfelix sa taping ng Kambal Karibal, nabanggit na dahil bumalik na si Paul Salas sa GMA 7, may plano silang mga galing sa Starstruck Kids na mag-reunion. Natuloy ‘yun last Sunday at sa lumabas na photos nila sa socmed, may pictures silang nasa Trinoma at restaurant sa Ayala Malls Vertis North.

Bukod kina Miguel at Paul, nakita namin sa picture ang grand winner ng Starstruck Kids na si Sam Bumatay, Sandy Talag, Shamel Perez Leask at Bea Binene. Present din si JM Reyes at Gabriel Roxas na naalala namin, laging kasama ni Bea.

Nagkaroon lang ng konting isyu dahil isinama ni Paul ang GF na si Barbie Imperial. May fans si Barbie na nagalit dahil bakit daw isinama ni Paul si Barbie, eh reunion ‘yun ng mga taga-GMA-7?

Isa pang isyu sa fans, dapat daw hindi makitang magkasama sina Paul at Barbie dahil si JM de Guzman ang bini-build up na ka-love team ni Barbie sa Araw Gabi ng ABS-CBN.

O, di ba ang daming problema ng fans nina Paul at Barbie?

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with