^

PSN Showbiz

Bimby ni kris nagbibinata, umaming in love kay Julia!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Bimby ni kris nagbibinata,  umaming in love kay Julia!

Hindi namin natanong si Nicko Falcis, business manager ni Kris Aquino at kasama sa KCAP Team kung pang-ilan sa more than 50 endorsements at brand partnership ni Kris ang Ever Bilena. Ni-launch ang Kris Life Kit ng Ever Bilena na naglalaman ng Love and Life shades ng lipstick, brow liner at brow mascara na siguradong kahit nasa bakasyon sa Japan si Kris, mino-monitor nito ang sales ng Kris Life Kit.

Sa June 5, ang kanilang balik at pagbalik, tuloy ang shooting ni Kris ng I Love You, Hater na showing sa July 11. Isusunod na niya ang movie niya sa iFlix na July 18 ang start ng shooting at may movie offer pa siya kay director Paul Soriano.

Binuking pala ni Kris si Bimby, hindi na lang daw nito crush si Julia Barretto, love na ng kanyang anak ang aktres at hindi isyu kay Bimby ang age gap. Sabi raw nito, pag 21 years old na siya, 31 y/o na si Julia, ay pwede pa raw.

“I just want her to be happy for the rest of her life,” ang litanya ni Bimby patungkol kay Julia.

Isinapuso ang kultura ng mga Muslim Piolo tatlong pelikula ang hinahanda

Payat si Piolo Pascual nang humarap sa presscon/ launching/contract signing niya bilang Ambassador at Daily Partner ng My Daily Collagen. Hindi lang dahil sa workout ang pagpayat ng actor/producer, kasama rin ang Ramadan dahil this year sumama si Piolo sa mga kaibigan na­ting Muslim na nagpa-fasting in observance of the Ramadan.

Ginawa ito ni Piolo para mas maintindihan ang kultura ng mga Muslim dahil sisimulan na nila ang shooting ng Marawi, isa sa apat na pelikulang gagawin ng Spring Films, ang film company nila nina Erick Raymundo at director Joyce Bernal.

Ang three more movies na gagawin ng Spring Films ay ang animation na Hayop Ka! sa direction ni Avid Liongoren na director ng Saving Sally. Gagawin din nila ang launching movie nina Iñigo Pascual at Maris Racal at ang Ci­nemalaya entry na Kuya Wes na pagbibidahan ni Ogie Alcasid.

Para na ring immersion ang ginagawa ni Piolo para sa gaga­wing pelikula nila ni Robin Padilla.

Malaki ang plano nila sa pelikulang Marawi, ibebenta nila ito sa ibang bansa at marami ang interesadong i-distribute ang pelikula sa ibang bansa. Balak din nilang isali ito sa Toronto International Film Festival o Sundance Film Festival, saka ipa­lalabas ang movie dito sa atin sa September.

Bukod sa magiging busy si Piolo sa shooting ng Marawi, may Since I Found You, Home Sweetie Home at ASAP pa siya sa TV. Kailangan nga niya ng supplement at kasama sa tini-take niya ang My Daily Collagen na iniinom ni Piolo bago matulog.

Sa Mercury Drug, Rose Pharmacy at South Star Drug available ang My Daily Collagen, wala sa supermart dahil consider ito na medicine. Mabibili ito at P149.00 per bottle at ang Global Wellness Enterprises ang nagdala nito sa bansa.

Alden mapapasabak nang husto kay John

Mas na-excite ang fans ni Alden Richards nang mapanood ang report sa 24 Oras na may parkour training ang actor na kasama sa paghahanda niya sa Victor Magtanggol. Ibig sabihin nito, sasabak sa maraming action scenes at fight scene si Alden.

“I’m doing parkour now para meron po tayong ma-i-o-offer na bago sa action scenes. Kaya may mga kalyo nga tayo ngayon. Naisip ko siyang gawin kasi magagamit talaga na skill. Kasi yung pagtalon sa mga bubong, yung mga pagbaba from a certain floor to another floor, ganu’n siya ka-intense,” sabi ni Alden sa interview.

Ipinakita rin ang BTS sa unang paghaharap nina Alden at John Estrada na malaki ang papel sa Victor Magtanggol. Excited na si Alden to do more scenes with the actor na first time niyang makakasama sa teleserye.

Abangan pa sa 24 Oras ang update sa Victor Magtanggol gaya ng iba pang kasama sa cast. Matutuwa rin ang fans dahil maglalabas ng Victor Magtanggol ng merchandise ang GMA 7 para may souvenir ang supporters ni Alden sa pagbabalik primetime nito.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with