Pauleen, tali at Maine, Malia
Baby nina Vic at Pauleen, ‘di pa nadadalaw ni Maine
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2018 - 12:00am

Buti pa ang anak ni Pokwang…

May ilang fans nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang nagtanong sa amin kung nakadalaw na raw ba si Maine Mendoza kay Baby Tali.

Napabalita kasi yung pagdalaw ni Maine sa baby ni Pokwang.

Tinanong namin si Pauleen, na sinagot kami na hindi pa. Twice na raw nagpasabi si Maine na gusto niyang dalawin ang baby niya pero hindi pa natutuloy.

Minsan naman daw kapag dinadala ni Pauleen ang baby nila ay nasa barangay naman si Maine. Kaya hindi lang daw nagkaroon ng chance na makita nang personal ang baby.

May ilang nag-react bakit nauna pang dalawin ni Maine ang baby ni Pokwang.

Sabi naman ni Pauleen, walang isyu roon. Magkakasama naman daw sila sa Eat Bulaga at magkakaroon talaga ng chance na makita ni Maine ang baby.

“Mahirap naman kasing puntahan pa kami, probinsya kami,” natatawang pahayag ni Pauleen.

Ayaw na nga ni Pauleen na ipasulat sa amin yan at baka iba ang ipakahulugan ng iba. Hindi naman daw isyu kung hindi pa nakadalaw si Maine sa kanila.

Mananalo na raw, nora binubuyong kumandidato sa bicol!

  Mahal pa rin talaga ng mga taga-Iriga si Nora Aunor.

Bukod sa naglagay sila ng collections ni Ate Guy sa kanilang city library, meron pa silang marker ni Ate Guy sa train station na kung saan nagtitinda ng tubig ang Superstar noong kanyang kabataan.

Balak pala ng mayor nila roon na bilhin ng triple ang bahay ni Ate Guy para doon na raw ilalagay ang museum niya. Pero ayaw daw talaga ibenta nung nakabili.

Kaya kapag umuuwi si Ate Guy sa Iriga, sa isang hotel doon siya naka-stay. Meron na raw sariling kuwarto si Ate Guy sa naturang hotel na tinutuluyan niya.

Ilang beses na bumabalik si Ate Guy sa Iriga para daluhan ang hearing ng mga kasong isinampa dahil sa ilang property niya roon na ibinenta pala ng ilang kamag-anak niya.

Tinututukan daw ito ni Ate Guy dahil mukhang mananalo raw siya sa mga kasong iyun.

Pahayag sa amin ng ilang taga-Iriga, mahal na mahal pa rin daw nila si Nora Aunor, kaya pati sila ay matutuwa  kung mapapanalunan ni Nora ang mga kasong isinampa laban sa ilang kamag-anak niya.

Sabi ng ilang taga-Iriga na nakapanayam namin doon, sana tumakbo raw si Nora Aunor sa 2019 elections, dahil susuportahan daw nila ito at tingin nila mapapanalunan na raw ito ng Superstar.

MAINE MENDOZA PAULEEN LUNA VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with