Dr. Geraldine
Misis ng nakabuntis kay Liz, ayaw ng demanda!
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 31, 2018 - 12:00am

Classy ang pagtataray

PIK: Active pa rin si Ice Seguerra sa pagsuporta sa mga projects ng asawa niyang si Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño.

Namataan namin sila ni Liza sa domestic airport dahil patungo silang Batanes para daluhan ang Rebelde Camp at Sine Kabataan na bahagi ng education program ng FDCP.

Ito ‘yung nasimulang proyekto ni Ice nung Chairman pa siya ng National Youth Commission. Kahit wala na siya sa NYC, itinutuloy pa rin niya bilang suporta kay Liza.

Nag-focus na rin ngayon si Ice sa kanyang singing career, pero medyo nanibago siya ngayon sa pinaghahandaan niyang album dahil iba na raw ngayon ang kalakaran sa music recording dahil sa digital release. Na-realize niyang wala nang CD na ibinebenta sa mga recording bar, kundi digital na kagaya ng Spotify, ITunes at iba pa.

PAK: Emotional ang Diwa Partylist Representative na si Emmeline Villar nang i-launch ang bagong libro niyang Lupus, Kayang-Kaya Ko To na ginanap sa Crowne Plaza Hotel kahapon ng hapon.

Ito ang Tagalog version ng Living Better with Lupus na ipamimigay ng libre ng Department of Health, para maiparating sa lahat ang tungkol sa sakit na Lupus.

Doon sa launching ay nakorner ng mga press si Dr. Geraldine Zamora-Racaza, ang asawa ng lalaking nakabuntis kay Liz Uy.

Very supportive si Dr. Racaza sa adbokasiyang ito ni Cong. Villar, pero tungkol sa isyu nila ni Liz Uy ang tinanong sa kanya ng mga reporter kahapon.

Ayaw niya sanang sagutin ang tungkol sa isyu dahil improper daw na pag-usapan ito doon sa launching.

Nilinaw lang niyang wala siyang balak na ipaabot sa demandahan ang ginawa sa kanya ng kanyang asawa at ni Liz. Ipinaubaya na lang daw niya at sabi niya, lahat daw iyun ay may purpose kung bakit nangyari iyun.

Ayaw nga niyang palakihin pa iyun dahil masaya na raw siya sa buhay niya.

Nabanggit lang ng naturang doktor na sa rami raw ng mga babaeng naugnay sa kanyang asawa, si Liz lang daw ang nabuntis.

BOOM: Nasa IndoChina si Atom Araullo para sa bagong documentary film na ginagawa niya, pero nakakarating sa kanya ang patuloy pa ring pagra-rant ni direk Mike de Leon laban sa kanya.

Ayaw na sanang patulan pa ito ni Atom, pero pinayuhan ang journalist na dapat sagutin niya para malinaw lang ang lahat. Lalo na’t pag nag-google ka tungkol kay Atom, pawang mga paninira ni direk Mike ang mababasa. Kaya tama lang na sagutin ito.

Kahapon ipinost ni Atom sa kanyang Facebook account ang mahabang statement para ipagtanggol ang sarili.

Heto ang ilang bahagi ng mahabang post ni Atom tungkol sa direktor niya sa Citizen Jake.

“Mike is a deeply troubled person. The kindest thing I can say about him is that he needs help, patience, and understanding as he wrestles with his personal demons. But while he has certainly tested the limits of my endurance, I can rest easy knowing that I worked hard, behaved professionally, and did all to the best of my abilities at the time the film was made.”

Ilang sandali, kaagad na sinagot ni direk Mike ang post na iyun ni Atom.

Pero, ginawang katatawanan ng ibang malisyosong bading itong galit ni direk Mike kay Atom. Nilagyan ng malisya ang hidwaan nilang dalawa.

GERALDINE ZAMORA-RACAZA LIZ UY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with