^

PSN Showbiz

Aktor gulung-gulo ang isip sa offer ng ibang network na ipareha sa sikat na aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kinukuha ang sikat na aktor ng isang network para ipareha sa talent nilang sikat ding aktres para sa gagawing bagong teleserye ng network. Ilang buwan din ang naging negosas­yon, pero hanggang ngayon, wala pang balita kung tatanggapin ng aktor at ng management nito ang offer ng network.

Napansin lang na sa presscon ng aktor sa isa nitong project, nang tanungin siya kung babalik na siya sa home network ngayong freelancer na siya, hindi agad nakasagot ang aktor. Parang he was groping ng right words kung paano sasagutin ang tanong ng mga reporter.

Nalaman na kaya hirap sumagot ang aktor, dahil may offer na teleserye ang network na kung tatanggapin, first time siyang makakapagtrabaho sa nasabing istasyon. Isa sana sa magiging selling point ng teleserye ay ang tambalan ng aktres at ng aktor, kaya lang, wala pang linaw kung matutuloy pa.

Bianca ginalingan ang unang halik kay Miguel

Nahuli namin sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na nagmi-millennial holding hands. ‘Yung klase ng holding hands na hindi buong kamay ni Bianca ang hina­wakan ni Miguel, three fingers lang yata ang hawak at hindi sila aware na nakita namin ‘yun.

Hindi na rin namin tinanong ang mga bida ng Kambal Karibal kung bakit may holding hands na nagaganap habang hinihintay na­ming makunan sila ng picture habang breaktime sa taping ng hit primetime series ng GMA 7.

Masaya ang dalawa na patuloy na sinusu­baybayan, pinag-uusapan at mataas ang ra­ting ng kanilang serye. Patu­nay ang mara­ming extension, considering na filler lang ang teleserye dahil hindi pa handa ang The Cure that time.

Sinabi nina Bianca at Miguel na nawawala ang pagod nila ‘pag nakakabasa sila na pinupuri ang acting nila. Sina Marvin Agustin at Cong. Alfred Vargas ay very vocal din sa paghanga sa kanila at kina Pauline Mendoza at Kyline Alcantara.

“Minsan, ang hirap mag-react lalo na kung galing sa veteran actors ang pumupuri sa inyo. Thank you at ‘yun ang assurance na tama ang ginawa namin. Kapag nakakarinig ako ng ganun, nasasabi ko sa sarili ko na ‘Bianca, good job’,” pahayag ni Bianca.

Sabi naman ni Miguel, “Nakakatuwa dahil matagal na sila sa showbis at magagaling silang umarte, but still pinupuri kaming mga kabataan. Kahit galit-galit kami sa show, nagmamahalan kami off cam.”

Inalam namin kay Bianca kung totoo ang kissing scene nila ni Miguel, ang matagal nitong pagsagot ang kasagutan na totoo ang kiss at ang kasunod niyang pahayag. “Med­yo,” “Hindi naman talaga kiss ‘yun” at “One take lang ‘yun, ginali­ngan ko para ‘di mag-enjoy si Miguel.”

Malinaw na si Miguel ang first screen kiss ni Bianca and vice versa. Kahit sabihin pang hindi talaga kiss, the fact na naglapat ang lips nila, kiss pa rin ‘yun.

Julie Anne at Alden magsasama sa korea!

Hindi lang ang Dabarkads ng Eat...Bulaga ang iti-treat ni Mr. Tony Tuviera ng bakasyon sa ibang bansa. Pati na rin ang mainstays, directors at staff (siguro) ng Sunday Pinasaya, may pa-bakasyon si Mr. Tuviera.

Sa Korea magbabakasyon ang mga taga-SPS sometime in June at apat na araw silang mamamasyal sa Korea. Close ang mga taga-SPS at pamilya ang kanilang  turingan.

Sana lang, hindi masabay ang trip to Korea ng mga taga-SPS  sa June 16, 3 Stars 1 Heart Dubai concert nina Regine Velasquez, Christian Bautista at Julie Anne San Jose para makasama si Julie Anne.

Sana rin hindi makasabay sa shoot ni Alden Richards ng Victor Magtanggol sa ibang bansa para makasama siya sa grupo ng SPS. Mas maganda kung kompleto ang mga taga-SPS, mas masaya ‘yun.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with