^

PSN Showbiz

PGT grand finalist na si Joven Olvido bumubuhos ang blessings

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na bumubuhos ang blessings para kay Pilipinas Got Talent grand finalist Joven Olvido dahil kabilang na siya sa cast ng Funny Ka, Pare Ko, ang sitcom ng CineMo na pinagbibidahan nina Karla Estrada at Ba­yani Agbayani.

Hindi nalalayo sa personalidad ni Joven ang karakter niya sa ikalimang season ng Funny Ka, Pare Ko na si Joven Petma, isang kagiliw-giliw na abogado na laging may baon na vape tricks at nakakalokang legal advice.

Ito ang pangatlong good news ngayong taon kay Joven matapos ibalita ni Vice Ganda noong Abril na kasama si Joven sa kanyang upcoming movie ngayong Pasko. Kabilang din si Joven sa pelikula ni Vhong Navarro under Regal Films na Unli Life.

Hindi maitago ng komedyante ang kanyang galak at kaba sa sunud-sunod na proyekto bilang isang first time movie at TV star.

“Sobrang saya ko po dahil sa blessings, pero siyem­pre kina­kabahan din po. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang gagampanan kong roles. Sobrang thankful ko lang po sa lahat. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko,” ayon kay Joven.

Nahuli ni Joven ang kiliti ng viewers at judges ng Pilipinas Got Talent dahil sa kanyang charisma at natural na abilidad sa pagpapatawa. Sa katunayan, nag-offer pa si Vice Ganda na maging mentor ni Joven sa panibagong kabanata ng kanyang buhay bilang komedyante.

“Gagalingan ko po ang pagpapatawa bilang mentee niya. Nagsisilbing inspirasyon ko rin si Vice sa comedy,” pahayag ni Joven.

Ibinahagi rin ni Joven kung ano ang dapat abangan ng viewers sa kanyang unang pagsabak sa telebisyon bilang isang abogado.

“Abangan niyo po ang mga kalokohan ko at ang mga kasong ipapanalo ko!” ani Joven.

Ang Funny Ka, Pare Ko  season 5 ay napapanood tuwing Linggo, 5:00 PM sa CineMo ng ABS-CBN TVplus.

PILIPINAS GOT TALENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with