^
Solenn walang pakialam sa bashers!
Solenn

Solenn walang pakialam sa bashers!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 28, 2018 - 12:00am

Aktibo ang magkapatid na sina Solenn at Erwan Heussaff sa social media. May kanya-kanyang account ang dalawa at ayon kay Solenn ay nakararanas din silang pareho ng online bashing paminsan-minsan. “I know naka-receive si Erwan ng mga hate messages. Kasi hindi naman siya pure Pinoy. We also did a video before na Bicol Express but our version, hindi ‘yung classic one and we got bashed for that din,” kwento ni Solenn. Hinahayaan na lamang daw ng model-actress ang mga mapanirang salitang ibinabato sa kanilang magkapatid sa social media upang hindi makapaaketo sa trabaho. “Kasi that’s a very small minority of the population, the things like that. For me it’s just about being proud of your roots. So kahit ¼ Pinoy ako, I’m still Filipino. You being pure as a Filipino 100% na blood, it doesn’t make you less of a Filipino if you’re 50% Filipino. I think we promote the Philippines more that a lot of Filipinos in general,” paliwanag ni Solenn. “We also need to move forward like all the other countries. So if we can help and push the Philippines, we’re going to do it. ‘Yung mga haters palagi sila naman nando’n, wala tayong magagawa,” dagdag pa niya.

Winwyn nagwo-work out kahit nakahiga

Matatandaang naiuwi ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na si Winwyn Marquez ang korona bilang Reina Hispanoamericana noong isang taon. Nahihirapan na umano si Winwyn na lumabas ng bahay ngayon mula ng maging beauty queen. “I don’t really go out na nakaayos, naka-super makeup. What’s nice is that people are open-minded now. So sa kanila, ang beauty queen ngayon kailangan ‘yung ma-reach nila. Ang pinakamahirap talaga I think is you really have to watch what you say because it can be misinterpreted. Kung paano ka magsalita, kung ano ‘yung mga opinion mo sa mga bagay-bagay. Kailangan isipin mo talaga bago ka magsalita kasi ayaw mo makasagasa ng kahit sino. But all in all, being poised, being all made up, I think it’s really different now. Kasi hindi na pwede na basta-basta lang, kenkoy or anything like that. ‘Yon ang challenging part, I really have to think or know my opinions na maayos talaga,” paliwanag ni Winwyn.

Puspusan din ang ginagawang pagwo-workout ng dalaga upang mapanatili ang magandang hubog ng katawan. “I just really am disciplined with what I do. I’m very active. So I eat whatever I want to eat. I go to the gym as much as I can or if I can work out at home. Before I used to work out everyday. Ngayon basta maka-once or twice a week ako kasi I do workouts at home eh. Siyempre kahit nakahiga ka lang you can do sit-ups, you can do squats,” pagbabahagi ni Winwyn.    

ERWAN HEUSSAFF SOLENN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with