^

PSN Showbiz

Marian dedma sa pang-iintriga sa Best Female TV Host award!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Marian dedma sa pang-iintriga sa Best Female TV Host award!
Marian

SEEN: Hindi consistent ang Muslim accent ni Martin Escudero sa Ang Misyon: A Marawi Siege Story. Nabigo si Martin na bigyan ng hustisya ang malaking role na ipinagkatiwala sa kanya ng producer at direktor na si Ceasar Soriano.

SEEN: Off key ang boses ni Wally Bayola sa concert nila kahapon ng The Broadway Boys sa Eat Bulaga.

SEEN: Dumalo si Marco Gallo sa special screening ng Ang Misyon: A Marawi Siege Story sa Dolphy Theatre noong Biyernes. Dapat ibalik ni Marco sa dating kulay ang buhok niya dahil hindi bagay sa kanya ang blonde hair.

SCENE: Kailangan ni Mico Palanca ng tulong ng mahusay na dermatologist para bumalik ang kanyang makinis na mukha.

SEEN: Mapapanood sa GMA 7 simula sa June 4 ang You’re My Destiny, ang television series mula sa Thailand. Ang mga Thainovela ang ipauuso ng Kapuso Network matapos mamayagpag sa Pilipinas ang mga Koreanovela.

SCENE: Ang ABS-CBN ang unang nagpalabas sa tele­bisyon ng Thai movie na Crazy Little Thing Called Love noong June 2011. Isinalin sa Tagalog ang Crazy Little Thing Called Love na naging dahilan kaya nakilala at sumikat sa mga Pinoy ang Thai actor na si Mario Maurer, ang bida ng pelikula.

SEEN: Dedma si Marian Rivera sa mga nang-iintriga sa award na napanalunan niya sa 49th Box Office Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation at sa gown na kanyang ginamit. Si Marian ang nanalo na Best Female TV Host para sa Sunday Pinasaya.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with