^

PSN Showbiz

Aktor na support support lang, naglahong parang bula dahil sa kayabangan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Wala talagang nagiging direksiyon ang career ng mga personalidad na maagang nagiging mayabang. Minsan pa lang na nagtagumpay ang proyekto, minsan pa lang na napuri at napansin, pero lumilipad na sa ere ang kaangasan.

Isang male personality ang naging paksa sa isang umpukan ng mga taga-showbiz isang gabi. Nasaan na nga ba siya ngayon pagkatapos niyang magmaangas sa mga taong naging dahilan kung bakit siya nakilala?

Kuwento ng aming source, “E, kung tutuusin, damay nga lang siya sa tagumpay ng project na naging dahilan kung bakit siya napansin, di ba? Hindi naman siya ang bumibida, kaibigan lang siya ng main character, pero siya pa ang nagmayabang?

“Nahilo siya agad sa popularity na tinanggap niya, akala niya siguro, e, forever na ‘yun, kaya nasaan na siya ngayon? May career pa ba siya?” nakairap na tanong-opinyon ng aming impormante.

Nakalulula raw ang mga palakpak, nakalala­sing ang mga papuri, kaya napakaagang nagparamdam ng kaangasan ang male personality.

“Ang sama-sama ng loob ng mga taong napakalaki ng naitulong sa career niya. Instead kasing magpasalamat siya at tumanaw ng utang na loob, e, nauna agad ang yabang niya!

“Kesyo bibigyan daw kasi siya ng magandang project ng isang network, mas priority raw ‘yun para sa kanya, dahil regular exposure ang makukuha niya kesa sa isang movie lang.

“Nangyari ba naman ang inaasahan niya? Naganap ba? Nasaan na ang malaking project na ipinagmamalaki niya? Isa lang pala siya sa marami, pang­dagdag lang pala siya, hindi naman nangyari ang ipinangako sa kanya!

“’Yun ang mahirap sa mga artistang hindi kayang i-handle ang maliit pa lang namang opportunity na nahahawakan nila, e. Lumolobo agad ang ulo nila, umaangat agad ang paa nila sa lupa.

“Nakakalimot agad sila sa kung saan sila nagsimula, binubura na nila sa utak nila ang mga taong nagbigay sa kanila ng pagkakataong makilala sila. Tulad ng male personality na ito, magyabang ba nang napakaaga?

“Ano siya ngayon, para siyang bula na nand’yan lang kanina, pero bigla nang nawala! Yes, para siyang bula, as in bubbles, ‘yun lang!” nakataas pa rin ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jake Zyrus plakado na sa boses nina Ed Sheeran at John Legend

Kung ang timbre ng boses niya ngayon ang magiging barometro ay nagtagumpay nga si Jake Zyrus, lalaking-lalaki na siya ngayon, boses-lalaki na ang dating si Charice Pempengco na panalung-panalo sa pagbirit.

Konting-konti na lang at puwede nang sabihing napaapaw ni Jake Zyrus ang Skydome. Nagda­tingan ang kanyang mga tagasuporta, habang ku­ma­kanta ang kanilang idolo ay nagsasalimbayan ang pagwawagayway nila ng green balloon lamp na napakagandang tingnan, hindi pinabayaan si Jake ng kanyang kampo.

Sa kanyang concert na Music & Me ay ikinuwento niya sa pamamagitan ng VTR ang sobrang passion niya sa musika. Bata pa lang siya ay tinatawag na siyang professional amateurist dahil ginagalugad nila ang maraming bayan na may paligsahan sa pagkanta kasama ang kanyang lola.

At dahil lalaki na nga ang kanyang pakete ngayon ay ganu’n din ang kanyang mga kanta. Burado na sa kanyang listahan ang mga kanta nina Celine Dion at Mariah Carey, ang ipinalit niya na sa kanyang repertoire ay ang mga kanta nina Ed Sheeran at John Legend, wala pa ring kupas ang hinangaang bulilit singer nina Oprah Winfrey, David Foster at Ellen DeGeneres.

Ilang taon na ang nakararaan, sa isang concert sa Amerika, ay nakaduweto niya ang sikat na si Andrea Bocelli. Standing ovation ang iniregalo sa kanila ng audience nang kantahin nila ang The Prayer.

Nu’ng Biyernes nang gabi ay baligtad na ang sitwasyon. Siya na si Andrea Bocelli habang kaduweto ang napakagaling nating kababayang si Jessica Sanchez ng American Idol.

Pareho silang nagpalutang ng talento, walang sapawan ang kanilang pagkanta, pero napakasarap palakpakan ni Jake Zyrus sa halos perpekto niyang pagplakado sa boses ng operatic singer na idolo niya.

Ang galing-galing ni Jake Zyrus sa The Prayer, kabog niya ang mga sikat na balladeers natin sa piyesang ‘yun, umaalingawngaw ang palakpakan at sigawan sa Skydome dahil sa ginawa niyang pani­nindigan na lalaki siya.

Maraming salamat kay Carl, ang manager ni Jake Zyrus, at kay Jane del Rosario na dating kasama namin sa TV5 sa pagbibigay sa amin ng pagkakataong masaksihan ang napakalaking transpormasyon ng boses at itsura na ngayon ng munting biriterang dati’y kinakandong-kandong lang namin.

Maligayang bati, Jake Zyrus!

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with