Lolit
Kris nagpaliwanag sa kapalaran sa Crazy Rich Asians
Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Alam na alam ni Kris Aquino kung paano i-charm si Manay Lolit Solis, nang mag-react ito sa isang Instagram post ng talent manager at dating Startalk host tungkol sa kanila ni Mayor Herbert Bautista.

Nag-comment kasi si Nay Lolit tungkol sa pagiging newsmaker ni Kris na laging may isyu. Ang pagdalo sa birthday party ni Mayor Herbert at ang participation nito sa Crazy Rich Asians na kahit kakapiranggot ang papel ay bongga ang dalang glam team.

Kaagad na pinangakuan niya si Nay Lolit ng ampao na birthday gift niya. Kaya umagang-umaga kahapon ay kinukulit na ako na i-follow up ko na raw ang pangako ni Kris na ampao with US dollars inside.

Muling nagpaliwanag si Kris na kaya dumaan siya sa pa-birthday kay Mayor Herbert dahil malapit lang naman sa shooting niya. Kung inimbita raw siya sa birthday ni Manay Lolit, tiyak na darating siya.

Sabi naman ni Nay Lolit, tiyak na hindi naman siya darating dahil sa Camp Crame iyun sabay dalaw kay Sen. Bong Revilla.

Nagpaliwanag din si Kris na kaya siya nagdala ng buong glam team niya sa Crazy Rich Asians dahil hindi naman daw niya nakakalimutan ang payo sa kanya ni Nay Lolit.

Sabi nito; “I remember you gave me such wise advice before—tinanong kita bakit okay maging maluho ang sasakyan ng artista & you said: ‘Tetay, yun ang nakikita ng mga tao—kung gusto mo ng malaking TF, dapat hindi ka yung mukhang puwedeng tawaran. Never forgot those words. And put it into practice sa gastos sa glam team & wardrobe ko.”

Sa totoo lang, marami talagang payo si Nay Lolit kay Kris na hinding-hindi niya nakakalimutan at sinusunod niya ito. Pero keber diyan si Nay Lolit!

Ang importante, maibigay na ang pangakong ampao!

Makakasama ni Alden sikreto pa

Marami ang nag-abang sa exclusive interview ni Aubrey Carampel kay Alden Richards sa 24 Oras na ipinalabas nung nakaraang Biyernes.

Doon na kinumpirma ni Alden na Victor Magtanggol ang titulo ng seryeng gagawin niya sa GMA Telebabad at sobrang na-excite siya dahil sa kakaiba ito sa mga nagawa niya noon.

Gagampanan ni Alden bilang si Victor Magtanggol na isang simpleng tao na nabigyan ng isang extraordinary na misyon sa buhay niya; pagsubok sa pamilya, pagsubok bilang kapatid, at bilang kaibigan.

Sabi ni Alden; “Yung mensahe na idi-deliver nung project na ito sa manonood is kailangang napapanahon, mapupulutan ng inspirasyon, kumbaga ay magiging aspirational.”

Kaya naman natutuwa rin ang creative team ng bagong seryeng ito ni Alden dahil involved din siya sa pag-isip ng magandang kuwento at marami siyang naisip na suggestions para lalong mapaganda ang naturang project.

Sa susunod ay malalaman natin kung sino pa ang makakasama ni Alden at kung saan kukunan ang ilang mahalagang bahagi ng kuwento.

Pacman may susunod agad na laban!

Nakikiusap ang mga taga-Team Pacquiao na involved sa MP Promotions ni Sen. Manny Pacquiao na sana suportahan daw ng buong sambayanan itong darating na laban nila ni Lucas Matthysse na gaganapin sa Kuala Lumpur sa July 15.

Sabi ni Jake Joson na representative ng MP Promotions, kung ano man daw ang magiging resulta nitong laban ng ating Pambansang Kamao, baka dalawa o tatlong laban ay titigil na raw ito.

“Sana panoorin po natin itong mga huling laban niya. Sana suportahan po sana natin lahat sa ating mga istasyon. Sisiguraduhin ko sa inyo, makikita nyo si Manny dito, si Sen. Manny Pacquiao, na parang nag-uumpisang gutom na Pilipinong boksingero.”

Simulcast kasing mapapanood itong Fight of Champions sa ABS-CBN 2, GMA 7, TV 5, Cignal TV at Skycable.

Inaasahang mapapanood din ang kanyang laban sa halos isandaang bansa.

Bale first project ito ng MP Promotions eh. Kaya dapat na maganda ang resulta nito.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with