Alden bibida sa Victor magtanggol!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2018 - 12:00am

Nakipag-collaborate pa sa story

May panibagong hamon na haharapin ang Pambansang Bae Alden Richards sa kanyang pagganap sa upcoming Kapuso series na Victor Magtanggol.

Sa ulat ng 24 Oras, ibang Alden ang mapapanood dito. “Si Victor Magtanggol ay isang simpleng tao na nabigyan  ng isang extraordinary na misyon sa buhay na masusukat ang lahat sa buhay niya: pagsubok sa pamilya, pagsubok bilang kapatid, pagsubok bilang kaibigan, lahat.”

Matagal na raw gustong gawin ni Alden ang ganitong klaseng proyekto kaya wala raw alinlangang tinanggap niya ito dahil first time niya itong gagampanan.  Lalo siyang naexcite sa programa dahil ang istoryang binuo ng creative team ng serye ay higit pa raw sa kanyang inaasahan.

“Natuwa ako at na excite kasi yung puso ng character naramdaman ko agad binasa ko pa lang yung first week ng script,” sabi sa interview ni Alden.

Nakatutok at very involved din si Alden sa magiging takbo ng kwento kaya naman nakikipag collaborate rin siya sa creative team ng programa.

Ayon pa sa aktor, gusto niyang hindi lang mahook ang mga mano­nood sa kwento kundi kapulutan din nila ng aral ang primetime series.

 “Yung mensahe na idedeliver nung project na ito sa manonood is kailangan napapanahon, mapupulutan ng ispirasyon at kumbaga ay magiging aspirational.”

 Dagdag pa ni Alden, tiyak daw ay makakarelate ang Kapuso viewers kay Victor Magtanggol na ang istorya ng buhay ay puno ng drama, aksyon at adventure na sumasalamin sa buhay ng bawat Pilipino.

“Nang binigay kasi sa akin ang Victor Magtanggol at then diniscribe ang character niya, ang lakas ng koneksyon sa mga Pilipino. So yung mga Pilipino na may prinsipyo, yung pag inatasan mong gawin ang isang bagay ay paninindigan nila. Gusto natin kapag pinanood ng mga Kapuso natin si Victor Magtanggol,  makikita nila ang mga sarili nila.” 

Halimaw nina Piolo at Shaina, ipalalabas na sa mga sinehan

Ipalalabas na sa bansa ang pinakabagong obra ni Lav Diaz pagkatapos humakot ng parangal at papuri sa ibang bansa.

Pinangungunahan nina Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Angel Aquino, at Pinky Amador,  ang pelikula ay isa sa mga nominado para sa Golden Bear Award sa 68th Berlin International Film Festival na gaganapin sa Germany. Nakamit din nito ang Best Film sa Gems section ng 58th Festival Internacional de Cine Cartagena de Indias nitong Marso. Mapapanood na ito sa mga piling Ayala Cine­mas sa Manila at Cebu simula May 30, 2018. 

Nakatanggap din ito ng magandang review sa Hollywood website na Variety para sa direktor at tema. Ayon sa website, si Diaz ay “emphatically his own artist, whether to exhilarating or punishing effect,” at ang pelikula ay may “raw, stirring interludes.”

 Ang ibang manunulat at film critics ay napahanga din sa pelikulang ito. “It’s visually that Season of the Devil ranks among Diaz’s best work,” sulat ni Clarence Tsui ng The Hollywood Reporter. Hinirang naman ni Peter Bradshaw ng The Guardian si Diaz na isang tunay na artist “every “millisecond of his film has been rigorously created” sabi nila.

Ayon kay Desistfilm writer Aldo Padilla, si Diaz daw ay isa sa pinakamalayang sikat na filmmaker ng ating panahon. “Diaz remains emphatically his own artist, whether to exhilarating or punishing effect,” ang sabi naman ni Guy Lodge sa Variety, habang si Jonathan Romney ng Screen Daily ay tinawag itong “A film of boldness and considerable beauty.”

Dahil sa magandang pagtanggap ng pelikulang ito sa ibang bansa, kasama na ang mga parangal na nasungkit nito, sana naman ay tangkilikin ito ng mga Pinoy.

Katulad sa mga naunang obra ni Direk Lav, halos apat na oras din ang haba ng pelikula na nagkaroon ng press screening nung isang gabi.

Kasama ng Ang Panahon ng Halimaw ay ang suporta ng Globe Telecom at ng kanilang #PlayItRight advocacy.

Ang #PlayItRight ay isang kampanya na nagbibigay ng suporta sa local films at ito ay nananawagan para sa tama at legal na pano­nood ng mga pelikula sa sinehan para matigil ang film piracy sa bansa. Ang layuning nito ay mabigyan ng halaga ang mga producer, direktor, aktor, at mga crew na nag-uukol ng pondo, panahon at pagod upang mabuo ang kanilang pelikula.

 Ayon kay Quark Henares, Globe Studios Head, mahalagang suportahan ang industriya ng pelikula, lalo na ang mga gawa ng mga indepen­dent film producer na karaniwan ay hindi nabibigyan ng mga show date sa mga malala­king sinehan.

Aniya, “We continue to promote #PlayItRight by supporting this groundbreaking film by watching it in the movie theaters. It is important that we all support our local indie directors and movies because they ­create works that are truly world-class and deserving of a local and international audience. We have a rich and diverse group of local actors, artists, and filmmakers dedicated to creating stories and narratives that appeal to not just the soul of the modern Filipino, but to their sense of national pride.”

Birdshot at Deadma Walking libreng mapapanood

Bilang bahagi pa rin ng inaabangang 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), magkakaroon ng special screening para sa dalawang nominadong Best Film sa two-day workshop ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Mapapanood ang Birdshot ng TBA Production ngayong May 26, 6 p.m at Deadma Walking ng T-Rex Entertainment sa Sunday, May 27, 6 p.m., sa Cinematheque Center Manila ng FDCP.

Ang libreng film showing ay bahagi ng #playitright anti-piracy campaign ng Globe.

Dadalo ang director ng Birdshot na si Mikhail Red at ang writer ng Deadma Walking na si Eric Cabahug.

Samantala, bago ang The EDDYS, nakatakdang idaos ang Nominees Night sa June 3, 5 p.m., sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.                    

ALDEN RICHARDS VICTOR MAGTANGGOL
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with