^

PSN Showbiz

Arci sarap na sarap kay Papa P

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Arci sarap na sarap kay Papa P
Piolo at Arci

Maraming mga kababaihan ang kinaiinggitan na diumano si Arci Muñoz ngayon dahil sa pagiging leading lady nito kay Piolo Pascual sa teleseryeng Since I Found You. Makikitang madalas ding magkasama at nagkukulitan ang dalawa sa social media.

Aminado naman si Arci na talagang kinikilig siya sa aktor. “Hindi naman ako nagtataka kasi kahit naman sino kung iba rin ang gumaganap as Dani (karakter ng aktres sa serye), marami din naman ang maiinggit sa kanya,” nakangiting bungad ni Arci. Gusto na raw ipamigay ng aktres si Piolo upang hindi na siya kainggitan at kulitin ng ilang tagahanga. “Sinasabi ko nga kay Papa P, ‘Buti na lang sawa na ako sa iyo. Sige, ipamimigay na kita.’ Sabi niya, ‘Sige, ipamigay mo na ako, inaaway ka na ng tao.’ Sabi pa nila, sana daw sila si Dani. Minsan gusto ko sagutin na, ‘Oo naman, masarap talaga magkaroon ng Papa P, iba talaga siya,” natatawang pahayag ng dalaga.

Dapat daw na pakaabangan ng mga manonood ang nasabing serye dahil may mga pagbabago nang naganap sa istorya nito. “Nako! Ngayon kasi nag-break kami. Hindi ko pa alam kung ano mangyayari. Abangan na lang nila, kahit ako di ko pa alam eh,” pagtatapos ni Arci.

Inigo at Maris walang meaning ang sabihan ng ‘I love you’

Posibleng may espesyal nang ugnayan sina Inigo Pascual at Maris Racal ngayon.

Sa naganap na fan meet kama­kailan ay nagsabihan na ng ‘I love you’ ang dalawa sa harap ng MarNigo fans. “Yes, I said ‘I love you’ to her and she said, ‘I love you, too.’ And I don’t think it’s a bad thing. It’s okay to love people and to share your love to people. I don’t see anything wrong with it,” makahulugang pahayag ni Inigo. Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa ngayon? “I’m not saying we’re together because we’re focused on so many things. The thing is, we know we are enjoying our lives and we are literally on cloud nine right now. We are very happy  nang sobra sa dami ng blessings,” sagot ng binata.

Para kay Inigo ay wala raw problema sa kanyang pamilya ang pagiging malapit nila ni Maris sa isa’t isa. “I think so, it’s a personal thing din naman. Of course, she’s very familiar naman with my family. We’re not saying na we’re together. And the thing is we just have to know each other a lot more before going into another level, and we are,” pagbabahagi ng aktor.   

vuukle comment

ARCI MUñOZ

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with