^

PSN Showbiz

Herbert at Kris butata sa happily ever after

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Herbert at Kris butata sa happily ever after
Kris

Now, finally, maniniwala na ang lahat na talagang friends lamang sina Quezon City Ma­yor Herbert Bautista at Kris Aquino.

Marami ang hindi pa nakaka-move on sa ginawang pagsubok ng dalawa na ilampas pa sa hangganan ng friendship ang kanilang relasyon.

Talo sila dahil mas marami silang prayoridad, res­ponsibilidad, pumarte pa ng malaki ang pagi­ging magulang nila. The two still maintain a relationship na pinaniniwalaan pa ng marami na mauuwi sa isang romansa at kahit suko na ang dalawa, naniniwala pa rin na mahihintay pa niya ang kanyang love story at happily ever after.

McLisse maliligwak na

Kalulunsad pa lamang ng McLisse loveteam pero, mukhang madali rin ang magiging buhay nito dahil may iba palang karelasyon si Elisse Joson at hindi si McCoy de Leon. Ito raw si Patrick Sugui, isa ring Kapamilya at nakasama nila ni McCoy sa Pinoy Big Brother.

Kung si McCoy ay sa sayaw unang nagpakilala, si Patrick ay sa pag-arte naman unang sumubok. Mukha namang walang epekto ito sa isa sa mga miyembro ng #Hashtags. Kung totoo mang may karelasyon si Elisse, ang mahalaga ay tanggap ng manonood ang loveteam nila.

GMA ginagawan ng exposure  si Dingdong para sa darating na eleksiyon?

Maganda ang relasyon ni Dingdong Dantes sa GMA kung kaya hindi lamang siya nito pinapayagang gumawa ng movies sa Star Cine­ma, ang film arm ng ABS-CBN. At kahit bawal sa mga malalaking artists ng magkalabang network ang umapir sa kalabang istasyon, mapapanood na rin si Dingdong sa mga programa ng Kapuso para ipro­mote ang pelikula nila ni Anne Curtis.

Pumayag na rin ang GMA dahil magiging malaking tulong ito sa exposure ng papasok sa pulitika na artist nila.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with