^

PSN Showbiz

Anak ni Heart fashionista na agad

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Heart fashionista na agad

Di pa rin alam ang gender

Si Solenn Heussaff ang nagsabing na-i­-imagine niyang magiging fashionista ang first baby nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista dahil fashionista ang mother. Lalo na kung baby girl ang isisilang ni Heart, kaya pati siya excited nang malaman ang gender ni baby Escudero na three months nang ipinagbubuntis ni Heart.

Sa huling TV interview kay Heart, hindi pa nila alam ang gender ng baby nila ni Chiz at sa tanong ng magiging pangalan ng baby, ang narinig namin, ‘pag lalake, may “Francis” sa name na pangalan din ni Sen. Chiz.

Nabanggit din ni Heart na “anything white” ang napaglilihian niya gaya ng milk, white bread at hakaw. Kaya, alam nang magiging maputi si baby Escudero.

Nakwento rin ni Heart na para mas maaalagaan ang kinakain niya habang preggy siya, kumuha siya ng nutritionist para natsi-check at para alam niya kung ano ang dapat at hindi dapat kinakain niya habang buntis.

Anyway, tama ang nabanggit ni Solenn na magiging fashionista ang baby ni Heart dahil pinost nito ang ilan sa baby stuff na ipinapadala sa kanya gaya ng cute blue baby shoes.

“I’ve been receiving all the sweetest gifts. We don’t know the gender yet but that’s ok because we don’t believe any of the colors are gender specific. I can’t wait to see my little one in these,” nabasa na­ming post ni Heart.

Kapuso actress na tumangging magpa-sexy sa ABS, kinontrata uli ng GMA

Totoo pala ang tsikang isa sa afternoon soap ng ABS-CBN na airing ngayon ay in-offer sa isang Kapuso actress na noon ay nagbabalak lumipat after mag-expire ang kontrata sa GMA-7.

Hindi lang natuloy maging Kapamilya ang Kapuso aktres dahil naseksihan sa tema ng in-offer sa kanyang soap ng Kapamilya Network. Feeling hindi pa ready magpa-sexy ang aktres, kaya nag-decide na mag-renew ng kontrata sa GMA-7.

Ang maganda, kahit alam ng mga taga-GMA-7 na may naging pag-uusap ang management ng Kapuso aktres sa ABS-CBN, tinanggap pa rin nila ang aktres. Binigyan pa nga ng exclusive na kontrata na two years tatakbo.

Heto pa, ang unang teleserye na gagawin ng aktres sa bago niyang kontrata ay malaking proyekto, magagaling at kilalang artista ang makakasama. Siguro naman, hindi nagsisi ang aktres na hindi siya natuloy lumipat ng network.

Pelikula nina Kris, Julia at Joshua,  ’di nakasunod ang playdate 

May balitang baka hindi maipalabas sa original playdate na June 13, ang I Love You Hater movie nina Kris Aquino, Julia Barretto at Joshua Garcia. Dahil ito sa mas pinapaganda pa ni director Giselle Andres ang pelikula na comeback movie ni Kris sa Star Cinema.

Ang I Love You Hater sana ang isusunod na ipalalabas after Kasal at kasama sa anniversary ng Star Cinema, pero tila hindi masusunod ang naka-schedule na playdate.

Pero hindi naman matagal ang ipaghihintay ng fans nina Kris, Julia at Joshua dahil maipalalabas din ang nabanggit na pelikula at matutuwa ang fans ng tatlo dahil mas pinapaganda nga.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with