^

PSN Showbiz

Julie Anne umiral ang professionalism kahit parang wala sa sarili

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Julie Anne umiral ang professionalism kahit parang wala sa sarili
Julie Anne

Noong May 17 pa ang 24th birthday ni Julie Anne San Jose pero kahapon lang siya nabigyan ng birthday presscon ng GMA 7 dahil sa busy schedule niya.

Actually, medyo wala pa sa sarili si Julie Anne nang dumating siya sa presscon kahapon dahil 7 am na nang ma-pack up ang ta­ping niya para sa My Guitar Princess.

Kahit kulang sa tulog, umiral ang professiona­lism ni Julie Anne dahil maaga siya na dumating sa birthday presscon niya.

Grateful and thankful si Julie Anne sa Kapuso Network na alagang-alaga siya. Eleven years nang contract star si Julie Anne ng GMA Artist Center at wala na siyang mahihiling pa dahil ramdam na ramdam niya ang haplos ng pagmamahal ng kanyang mother studio.

Very loyal si Julie Anne sa Kapuso Network dahil malaki ang naitulong nito sa kanya at sa showbiz career niya.

Dalawa ang regular program ni Julie Anne sa GMA 7, ang My Guitar Princess at ang Sunday noontime show na Sunday Pinasaya.

Burol ni Manoy Pito napuno ng mga bulaklak ng mga sikat na tao

Ang burol ni Pepito Vera-Perez sa Faith Chapel ng Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City ang pinuntahan ko pagkatapos ng birthday presscon ng GMA 7 para kay Julie Anne.

Sina Manay Ichu Maceda, Charlene Gonzales at ang magkapatid na Lander at Pinggoy ang naabutan ko sa Faith Chapel.

Sina Lander at Pinggoy ang dalawa sa tatlong anak na lalaki na naulila ni Manoy Pito at stepdaughter naman nito si Charlene na huli kong nakita sa burol ng kanyang father in-law na si Cheng Muhlach sa Heritage Park sa Taguig City noong May 14.

Nagkuwentuhan pa kami ni Manay Ichu kaya nagtagal ako sa lamay para sa kanyang kapatid na very close sa kanya.

Natutuwa ako kay Manay dahil sa gitna ng kanyang pagdadalamhati, naalaala pa niya na ibigay sa akin ang personalized birthday gift na hindi puwedeng i-recycle dahil nakaburda ang pangalan ko.

Affected na affected si Manay Ichu sa pagkawala ni Manoy Pito at para mabawasan ang stress na kanyang nararamdaman, ang pag-aayos sa mga bulaklak ang inasikaso niya.

Puwede nang magbukas ng sariling flower shop si Manay Ichu dahil magaling siya na floral designer.

Pati nga si Susan Roces, humanga sa floral arrangement dahil very crunchy sa paningin niya ang silk orchid flowers na creation ni Manay Ichu.

Nagsimula kahapon ang burol para kay Manoy Pito pero halos mapuno na ng bulaklak mula kina Coco Martin, Mayor Joseph Estrada at Dra. Loi Ejercito, Senator Grace Poe, Susan Roces at marami pang iba ang Faith Chapel ng Arlington Memorial Chapels.

Nakatakda sa June 2 ang cremation sa labi ni Manoy Pito dahil hinihintay pa ang pagdating sa June 1 ng kanyang mga kapatid na sina Manay Gina de Venecia at Chona Ampil na manggagaling pa sa Europe.

Panay ang tawag sa akin kahapon ni Mother Lily Monteverde sa telepono dahil gusto niya na sumabay sa akin sa pagpunta sa burol ni Manoy Pito.

Hindi rin natuloy ang pagkikita namin ni Mother Lily sa Arlington Memorial Chapels dahil kahit sinabi niya na papunta na siya, iba na ang kanyang dialogue sa next cell phone conversation namin, susunod na lang daw siya dahil hindi pa tapos ang meeting niya.  (Nakikiramay po sa pamilya ni Tito Pepito Vera Perez. – SVA)

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with