^

PSN Showbiz

Kaya kinalasan ng dyowang actor aktres sinasapian pag may kausap sa phone!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming taga-showbiz ang nakakaalam ng throwback na istoryang ito. Lalo na ang malalapit nu’n sa aktor at aktres na bumibida sa kuwento, siguradong meron pa nga silang maidadagdag, dahil pinagpistahan ang kuwento nu’ng magkarelasyon pa sila.

Mas may edad si lalaki kesa sa babae. Pareho silang sikat nu’ng kanilang kapanahunan. Malakas ang dating sa publiko ng kanilang tambalan sa pelikula.

Hanggang sa naging magkarelasyon na nga sila. Mahal na mahal nila ang isa’t isa. Sanay nang makipagrelasyon ang aktor pero ang pagmamahalan nila ay binyag ng apoy para sa aktres.

Isang gabi, habang nagkukuwentuhan sila, ay kinilabutan ang male personality kung bakit paiba-iba ang mga sinasabi at nagiging reaksiyon ng aktres habang magkausap sila sa telepono.

Minsang tawa nang tawa ang aktres, pagkatapos ay bigla na lang itong humihikbi, pero maya-maya lang ay maayos na naman ang kanyang sitwasyon.

Gulat na gulat ang aktor, bakit nga naman ganu’n ang kanyang girlfriend, paiba-iba ang reaksiyon habang magkakuwentuhan sila. Dahil du’n ay minabuti ng aktor na sadyain ang kanyang girlfriend sa bahay nito.

“Ano ‘yun, hindi alam ng girl na pupunta pala sa house nila ang boyfriend niya. So, nu’ng kumatok ang lalaki, pinapasok naman siya ng kasambahay ng girl. Nasa kuwarto na raw ang girl, nagpapahinga na, pero tatawagin siya ng maid.

“Naghintay lang siya sa sala, malapit sa lampshade. May nakitang maliit na papel ang guy, so, binasa niya kung ano ang nakasulat du’n. Kini­labutan ang male personality sa nabasa niya!

“Ang nasa papel, talk, cry, laugh, talk again. Ano ‘yun? Talagang kinilabutan siya dahil ganu’n na ganu’n ang nangyari habang magkausap sila!

“Parang scripted ang reaction ng girl! Magsasalita siya, hihikbi, tatawa, tapos, balik na naman ang girl sa pagsasalita nang maayos. Gusto nang umuwi ng male personality, pero hinintay niya pa rin ang girl na palabas na ng kanyang kuwarto.

“Isa lang ang tanong niya sa girlfriend niya, ‘Are you okey?’ Oo raw naman, sabi ng girl, pero hindi mawala-wala sa utak ng lalaki ang nakasulat sa papel!

“Nu’ng nagpapaalam na siya ay nakita ng guy na kinuha ng girl ang papel sa tabi ng lampshade, nilukot niya ‘yun nang parang patago, lalong kinilabutan ang guy! Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya!

“Nagmaneho siya na parang tulala, nakarating siya sa kanilang bahay na parang wala pa rin siya sa tamang huwisyo, naaalala pa rin niya ang nakasulat na papel na plakado namang sinunod ng girl habang magkausap sila sa telepono!” shocking na pagdedetalye pa ng aming source na kinikilabutan din.

Ubos!

Ellen nabuko ang mga peklat na tinatago, nagsusuot na rin ng wig

Nakakaaliw ang kuwento ng isang source namin na madalas na nakakasama ni Ellen Adarna sa mga pictorial at shoot para sa mga glossy magazines at kalendaryo. Dalawa pala ang palaging pinoproblema ng sexy actress sa mga ganu’ng pictorial.

Kailangan niyang itago ang maliliit niyang peklat sa hita at binti. Mapuputi raw naman ang kanyang mga peklat, hindi rin kalaliman, pero para maging flawless ang kanyang katawan ay palagi siyang nag-aaplay ng concealer.

Matagal ‘yun, umaabot nang ilang oras, dahil kailangang kinising mabuti ang ipinapahid sa kanyang katawan at pinatutuyo pa bago siya lagyan ng body make-up.

Ang isa pang problema ni Ellen ay ang manipis na niyang buhok. Itinitirintas ‘yun nang maliliit para maitago sa ilalim ng wig. Pareho sila ni John Lloyd Cruz na manipis na ang buhok at mataas na ang hairline.

Kuwento ng aming source, “Pagkatapos ng pictorial ni Ellen, e, hindi na niya ipinatanggal ang pagka-braid ng hair niya. Nagmamadali siya, meron pa siguro siyang hinahabol na commitment o kung anuman.

“Pagbaba niya sa venue, e, may nakakilala sa kanya. Nakipag-selfie ‘yung guy, hindi na siya nakatanggi, nakaumang na kasi ang cellphone camera. E, nakita ni Ellen sa phone na ang taas-taas ng kanyang hairline, kaya ang ginawa niya, e, tinakpan niya ng kamay niya ang noo niya!

“Ayun! Nakipag-selfie nga siya, pero nakatakip naman ang kanang kamay niya sa noo niya! Marami talagang ipinag­kapa­re­ho sina Lloydie at Ellen.

“Pareho silang mahilig uminom, parehong manipis na ang hair nila, saka pareho rin silang weird!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with