^

PSN Showbiz

Angel walang planong igawa ng pelikula ng dyowa!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Angel walang planong igawa ng pelikula ng dyowa!
Angel and Neil

Miss Granny ni Sarah isasabak na sa takilya

MANILA, Philippines — Focus daw muna si Angel Locsin sa teleserye niyang The General’s Daughter kung saan ang isa sa makakatrabaho niya ay si Maricel Soriano at nagsimula na ang taping.

Kaya naman wala muna raw itong balak gumawa ng pelikula.

Mismong ang boyfriend niyang movie producer na si Neil Arci ang nag-confirm na sa TV muna ang girlfriend niya.

Nakatsika namin sandali si Neil during the presscon of the movie Sid & Aya kung saan co producer siya ng Viva Films, kung wala ba siyang planong i-produce ng pelikula ang actress.

Kilalang passionate si Angel sa kanyang trabaho kaya tiyak na tututukan niya ang The General’s Daughter na isang action at mapapanood sa primetime ng ABS-CBN.

Si Mr. Neil din ang nagbanggit na may playdate na ang pelikulang Miss Granny starring Sarah Geronimo.

Naka-schedule na pala itong ipalabas sa mga sinehan sa August 22. With Sarah sa Miss Granny are Xian Lim and James Reid. Co prod din si Neil sa Miss Granny.

Gabby umayaw na talaga dahil sa ‘do you still love me’

Sharon nagpasalamat sa Diyos, pelikula tuloy na

Tuloy na ang naudlot na pelikula ni Sharon Cuneta sa Star Cinema.

Kahapon nga ay nagpasalamat na siya sa Diyos at may new material na ang pelikulang gagawin niya. “In Star Cinema now, being presented my brand new movie!!! Yippee!!! So very happy!!! Thank You, Jesus!!.”

Definitely hindi na si Gabby Concepcion ang leading niya dahil ayon sa isang source na nakausap si Gabby recently, wala na raw itong  balak i-push ang reunion movie sa dating misis.

Ang rason nga ay ang kumalat na isyung diuma­no’y baka mas marami pang mabubuhay na isyu bukod sa sinasabing text ni Sharon kay Gabby na  “do you still love me?” pag nagkasama pa sila sa pelikula.

Anyway, pahulaan sa followers ni Mega kung sino kina Ian Veneracion at Robin Padilla ang magiging leading man niya.

Box office ang naging comeback movie nila ni Robin last year, ang  Unexpectedly Yours at na-nominate pa si Sharon for Best Actress sa gagana­ping The 2nd Eddys.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with