^

PSN Showbiz

Jinkee gagastusan ang concert ng idolong K actor

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Jinkee gagastusan ang concert ng idolong K actor
Jinkee at Ji Chang

SEEN: Nasapawan si Jamie Rivera ng former Tawag ng Tanghalan 2017 finalist na si Marielle Montellano sa duet nila kahapon sa It’s Showtime. Hindi memorized ni Jamie ang When You Tell Me That You Love Me kaya halatang-halata na binabasa niya sa teleprompter ang lyrics ng popular song ni Diana Ross.

SCENE: Ang Aliw Theater sa Pasay City ang venue ng grand finals ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime sa June 2, 2018.

SEEN: Hindi na nag-report kahapon sa Eat Bulaga si Senator Tito Sotto, ang bagong halal na senate president. Tinupad ni Sotto ang pangako na hindi muna siya sisipot sa Eat Bulaga para pagtuunan ng pansin ang bagong responsibilidad.

SCENE: Walang double si Tom Rodriguez sa mga action scene niya sa The Cure. Intense na intense ang acting ni Tom sa lahat ng mga eksena niya sa primetime teleserye ng GMA 7.

SCENE: Bumalik na ang nabawasan na self-confidence ni Claudine Barretto dahil pumayat na siya. May star aura na uli si Claudine na hinihintay ang pagsisimula ng shooting ng pelikula niya sa Viva Films na kukunan sa Europe ang mga eksena.

SEEN:  Kahanga-hanga ang husay ni Bimby Aquino sa pagtugtog ng piano. Isang child prodigy si Bimby dahil natuto ito na tumugtog ng piano noong maliit pa siya.

SCENE: Ang balita na may plano si Jinkee Pacquiao na ipag-produce ng concert sa Pilipinas ang Korean actor na hinahangaan niya, si Ji Chang Wook. Personal na nagkita at nagkakilala ang dalawa nang magbakasyon si Jinkee at ang asawa nito na si Senator Manny Pacquiao sa South Korea noong December 2017.

SEEN: Kinumpirma ng GMA News na si President Rodrigo Duterte ang nag-utos kay Cesar Montano na magbitiw na ito noong Lunes bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board.

vuukle comment

JI CHANG WOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with