^

PSN Showbiz

Sikat na aktres, NAGIGING luka-luka pag nagti-trip!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Buhay na buhay pa rin ang mga nakaraang anekdota sa buhay ng isang sikat na babaeng personalidad. Dahil sa layo na ng narating ng kanyang karera ay napakarami ring pangyayari sa kanyang buhay na pabalik-balik lang na pinagpipistahan.

Walang makakatalo sa mga trip niya nu’ng mga panahong napakainit ng kanyang pangalan, parang siya lang kasi ang artista nu’n para sa ating mga kababayan, walang makatatalo sa pinagdaanang ningning ng kanyang bituin.

Kuwento ng isang personalidad na matagal na nakasama ng sikat na female personality, “Mahilig siyang maglaro ng mga taong malapit sa kanya. Trip niya ‘yun, kinaaaliwan niya.

“Kunwari, bumibiyahe sila sa madawag na lugar. Walang mga kabahayan. As in, talagang parang gubat ang dinadaanan nilang lugar. Sasabihin niya sa mga kaibigan niya, ‘Parang flat ang gulong natin, pakitingnan n’yo nga!’

“Bababa naman ang mga friends niya, pero ‘yun na ‘yun! Sasabihan niya ang driver niya na tumakbo na, iiwan na lang nila ang mga nagbabaan ng sasakyan. Ganu’n siya kalupeeeetttt!!!!

“Ilang daang metro rin ang tatakbuhin ng sasak­yan bago niya pabalikin. Natural, humahagok na sa paglalakad ang mga kaibigan niya. Source of happiness niya ang ganu’n, kinaaaliwan niya!” kuwento ng aming source.

Nu’ng minsan namang nagpa-party siya sa kanyang mansiyon ay pinagtripan na naman niya ang kanyang mga bisita. Seryoso siya, hindi tumatawa, bigla na lang siyang sumigaw dahil pinasok daw sila ng mga magnanakaw.

“Natural, takot na takot ang mga bisita niya, may mga baril daw kasi ang mga magnanakaw! Kailangan daw nilang magtago dahil baka patayin sila ng mga akyat-bahay!

“Kapag nakikita na niyang nanginginig sa takot ang mga kasama niya, kapag nakikita na niyang parang may hihimatayin, e, bigla siyang sisigaw, ‘Joke!’ ganu’n siya katindi!” kuwento uli ng aming impormante.

‘Yun ang maliligayang araw ng female personality, sikat na sikat siya, milyones ang hinahawakan niyang salapi. Mahilig siyang mang-trip ng mga kaibigan niya.

Pagtatapos ng aming source, “Baligtad na ang sitwasyon ngayon. Umaandap-andap na ang bituin niya, palagi siyang nangangailangan ngayon ng datung! Wala na siyang mga kaibigang pagtitripan ngayon dahil naglayuan na sa kanya ang mga taong pinaglalaruan niya dati.”

Ubos!

Alden sinopla ang bintang na ninakawan 

Sagad na siguro ang galit ng isang nagpakilalang Frank Blogger na tahasang nanira sa manager ng Pambansang Bae na si Carlites de Guzman.

Pinalalabas nito na ninakawan na nu’n pa ni Carlites si Alden Richards. Milyun-milyon daw ang halagang nawawala kay Alden dahil sa kagagawan ng kanyang manager at isang pinagkakatiwalaang tagasuporta.

Kundi pa raw kumuha ng auditor ang singer-actor ay hindi pa niya malalaman na milyones na pala ang ninanakaw ni Carlites de Guzman sa kanyang kaban.

Maagap si Alden, pinabulaanan niya ang lumulutang na kuwento tungkol sa kanyang manager, nilinaw agad ng Pambansang Bae na walang ganu’ng pangyayari.

Sa halip ay ipinagtanggol ni Alden ang kanyang manager, kasabay ng pagtanaw ng utang na loob, na kundi dahil kay Carlites ay hindi niya naman mararating ang magandang estado ngayon ng kanyang buhay at career.

Unang-una ay hindi naman si Carlites ang humahawak ng pera ni Alden, ito lang ang namamahala sa kanyang mga proyekto, dumadaan lang sa kanya at sa GMA Artists Center ang lahat ng aktibidad ng kanyang alaga.

Masarap maging alaga si Alden Richards. Hindi niya pinababayaang malagay sa alanganin ang mga taong may malaking naitulong sa kanyang propesyon. Hindi siya katulad ng ibang personalidad na agad-agad na naniniwala sa mga sulsol at bulong.

May sariling disposisyon si Alden, hindi niya pababayaang masira ang pagkatao ng sinumang nakakasama niya sa pagpapatakbo ng kanyang career, hindi nang-iiwan sa gitna ng laban ang Pambansang Bae.

Iba ang marunong magpasalamat. At ibang-iba rin ang marunong tumanaw ng utang na loob.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with