^

PSN Showbiz

Gabbi ginawang official ang hiwalayan kay Ruru

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Gabbi ginawang official ang hiwalayan kay Ruru
Gabbi

Pacman pumalag sa ‘di tuloy na laban kay Matthysse

SEEN: Ang official statement ni Gabbi Garcia tungkol sa pagwawakas ng 4-year old loveteam nila ni Ruru Madrid. Hindi na dapat naglabas ng official statement si Gabbi dahil matagal nang alam ng publiko na hiwalay na sila ni Ruru.

SCENE: Pinatay ang karakter ni Gabbi sa defunct primetime teleserye na Sherlock Jr. dahil hindi na effective sa fans ang loveteam nila ni Ruru pero mabait ang GMA 7 kaya hindi inalis sa OBB at CBB ng show ang litrato at pangalan niya.

SEEN: Pinabulaanan ng kampo ni Senator Manny Pacquiao ang balita na hindi matutuloy sa July 15 ang Fight of Champions, ang boxing fight nila ng Argentine boxer na si Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

SCENE: Kain nang kain sa set ang dahilan ng pagtaba ng direktor na si Jason Paul Laxamana, ang direktor ng So Connected, ang pelikula nina Janella Salvador at Jameson Blake na magbubukas ngayon sa mga sinehan. Nagtagumpay si Jason na paghiwalayin ang loveteam nina Janella at Elmo Magalona dahil  malakas ang on-screen chemistry nina Janella at Jameson sa So Connected.

SEEN: Ang balita na mas malaki ang box office gross ng second week ng My 2 Mommies sa mga sinehan kesa sa box office gross ng ibang mga pelikula na nagbukas noong nakaraang Miyerkules.

SCENE: Nagsimula na ang shooting ng I’m Ellenya L., ang launching movie ng loveteam nina Inigo Pascual at Maris Racal.

SEEN: Ang aktor na si Boy2 Quizon ang direktor ng I’m Ellenya L. Ang N2 Productions at Springtime Films ang mga producer ng Inigo-Maris starrer.

SCENE: Ang viewing party ng cast at production staff ng Inday Will Always Love You noong Lunes nang gabi. Magkakasama na pinanood ng grupo ang pilot telecast ng bagong primetime teleserye ng GMA 7 na tinatampukan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with