^

PSN Showbiz

Hunk actor exclusive property ng madatung na bading kaya travel pa more!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagtatanong-nagtataka kung paano namumuhay nang masagana ang isang hunk actor samantalang wala naman siyang pinagkakaabalahang proyekto nang matagal nang panahon.

?Magkaroon man siya ng trabaho ay hindi naman ‘yun pambida, isa lang siya sa maraming pangdagdag sa mga eksena, pero bakit nakapangi­ngibang-bansa ang hunk actor anumang oras na gustuhin niya?

?Mahilig bumiyahe ang hunk actor dito man at sa iba-ibang bansa, may mga pagkakataong may kasama siyang male personality na kuwestiyonable ang gender, inililibre siyempre siya sa biyahe.

?Tanong ng isang source, “Bakit kaya can afford siyang bumiyahe nang bumiyahe, e, ang laki rin ng gastos sa ganu’n? Saan kaya siya kumukuha ng datung, samantalang wala naman siyang regular income?

?“Bihira lang naman siyang napapanood sa TV, hindi pa kahabaan ang exposure niya, hindi naman siya magaling kumanta at magsayaw? Paano nga kaya niya name-maintain ang buhay na ganyan kabongga?” nagtatakang tanong ng aming impormante.

?Duda ng mga nagtataka ay meron siyang gay benefactor. Ang taong ‘yun ang nagbibigay sa kanya ng datung para sa kanyang mga panggranatsa sa buhay. Paboloso kasi ang kanyang lifestyle.

?“Magaling ang hunk actor. Alam niya kung ano ang gagawin niya para makapamuhay siya nang maayos! Para-paraan nga lang naman ang buhay, di ba? E, du’n pa lang sa isang male personality na nali-link sa kanya, e, siguradong buhay na siya!

?“Madatung ang male personality na ‘yun, kayang-kaya siyang buhayin, lalo na kung exclusive na siya para sa taong ‘yun! Naku, wala na siyang iintindihin talaga kung sila na!

?“Sobrang boundary na siya sa male personality na ‘yun kung hindi na siya eemowt pa sa ibang madadatung na benefactors. Panalo na siya sa male personality na ‘yun,” madiin pang sabi ng aming source.

?Mukhang hindi na sila nagkakasama ngayon ng isa pang male persona­lity na idinidikit sa kanya ang pangalan. Hindi na sila nakikitang magkasabay na dumarating at umaalis sa pinupuntahan nilang gym.

?Huling sultada ng aming source, “Fa­bulous din ang isang ‘yun, very generous pagdating sa mga mhin. Pero mukhang exclusive real property na siya ngayon ng madatung na male personality na napakasuwerte sa negosyo.”

?Ubos!

Vice hinahanap ang pamilya kaya inaatake ng anxiety

Ilang buwan nang nakakaramdam ng anxiety attack si Vice Ganda. Takot siyang matulog nang mag-isa lang sa kanyang kuwarto, kailangang meron siyang kasama, sa kabila ng kanyang kasikatan at kayamanan ay nananatiling hungkag ang kanyang puso sa usapin ng kaligayahan.

?Dahil sa paulit-ulit na pag-atake sa kanya ng lungkot ay kinailangan na niyang makipagkita sa isang psychiatrist. Nakipagkuwentuhan lang sa kanya ang doktor, dahil mula sa kanyang mga sinasabi, du’n magbibigay ng komento ang kanyang kaharap.

?Sa minsang pakikipagkuwentuhan namin sa isang psychiatrist ay sinabi nito na karaniwang umaatake ang lungkot sa mga taong nasa ituktok na ng kanilang mga pangarap.

?Sa ganu’ng estado na pumapasok ang linyang “it’s lonely at the top.” Hindi kasi nila alam kung sinu-sino sa mga nakakasalamuha nila ang totoo at hindi. Inaalala rin nila ang kanilang kinabukasan kapag sumasagi sa kanilang isip kung paano na kapag nawala na ang lahat-lahat ng meron sila ngayon?

?May pamilyang nagmamahal kay Vice Ganda, may mga kaibigan siyang umaaliw sa kanya kahit pa siya ang itinuturing na pinakamagaling sa pagkoko­medya, pero wala siyang maituturing na pamilyang kanyang-kanya.

?Napahahalakhak niya ang buong bayan pero ang hindi alam ng publiko ay mag-isa na lang siya kapag natatapos na ang kanyang pagpapatawa. Sabi ng kanyang doktor ay walang mali sa kanya, meron lang siyang hinahanap na hindi pa niya nakikita, walang pinakamaganda kundi ang pahalagahan niya ang lahat ng meron siya ngayon na hindi natikman ng iba.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with