^

PSN Showbiz

Janella naiyak ng mapanood ang ama

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Janella naiyak ng mapanood ang ama
Janella

Bidang Aktres sa weekly series, bisyo na ang magpahirap ng staff

PIK: Nakakatuwa ang suportahan ng magka­sintahang Jak Roberto at Barbie Forteza.

Nung nagsimula ang Inday Will Always Love You nung nakaraang Lunes, panay ang tweet ni Jak na abangan ang naturang seryeng pinagsamahan nina Barbie at Derrick Monasterio.

Si Barbie naman ay sinamahan din si Jak sa taping ng Lip Sync Battle kung saan nagwagi ang hunk actor.

Nasa backstage lang si Barbie at hindi na ito nagpakita sa fans. Pero nandun ang suportahan nilang dalawa, at wala kang makikitang nagseselos si Jak kay Derrick dahil magkaibigan naman ang dalawa.

PAK: Hindi talaga nauubusan ng kuwento itong magaling na aktres na bida sa weekly program niya.

Heto pa ang isang nakarating sa amin. Out of town daw ang location ng ta­ping na kung saan sa beach ang drama.

Parang eksenang beauty pageant na kukunan sa tabi ng dagat.

Paglabas ni magaling na aktres, sinita niya ang mga staff kung bakit uunahin daw ang beauty pageant na eksena eh bandang huli pa naman siya kailangan.

Tipong ito raw ang sabi ni aktres; “Ayoko kasing mainitan. Bakit ‘yan pa unahin? Sana ako na muna.”

Sabi raw ng staff, “Eto na po kasi ang naka-set up.”

Ang bilis daw ng sagot ni aktres; “Eh ‘di magpalit ng set. Saan ba si direk?”

Hindi na raw tinawag si direk. Kaagad nagpalit na ng set-up dahil alam naman ng mga staff na itong si attitude na aktres pa rin ang masusunod at walang magagawa si direk.

Kaya minsan, kahit trabaho sana ito, okay lang daw sa mga staff na tsugihin na ang programa niya para makapagpahinga naman sila sa kadramahan ni aktres. Pero maganda yata ang ratings kaya isa raw ito sa paboritong programa ng mga executive.

BOOM: Suportado ng fans ni Janella Salvador ang premiere night ng So Connected na showing na ngayong araw.

Sa premiere night sa SM Megamall kagabi pinanood sina Janella at Jameson Blake kahit nagkaroon na ng press preview nung nakaraang Lunes, May 21 ng hapon.

Dumaan lang ang dalawang bida para makitsika sa press at bloggers.

Hindi na sila nagtagal, kaya hindi na siguro nakarating sa kanila ang positive feedback sa tandem nila. Bagay naman kasi silang dalawa, at hindi mo maiiwasang kiligin kasi ang cute naman talaga ni Jameson at bumagay sa kikay-kikay na si Janella.

Suportado naman ni Elmo Ma­galona ang lahat na projects ni Janella pati ang pelikulang ito.

Sa gitna ng pagpu-promote ni Janella sa So Connected, nagagawa pa rin naman nilang lumabas ni Elmo.

Kamakailan nga ay sinamahan ni Elmo ang young actress na manood ng gig ng daddy niyang si Juan Miguel Salvador sa Strumms Makati.

Naikuwento ito ni Janella nang mag-promote siya kay Kuya Boy Abunda nung nakaraang Lunes.

Masayang ibinahagi ni Janella na first time daw niyang napanood na nag-perform ang daddy niya at sobrang proud daw siya.

Saad ng Kapamilya young actress; “I actually got so emotional. I felt like for once in my life I could be a proud daughter to my father. You know that feeling?

“I was never able to watch him that close.

“That was the first time that I was able to see him up close. Ang galing talaga ng dad ko sobra!”

Nagkaroon pa raw ng chance na nagkausap sina Elmo at ang daddy niya.“I feel like my dad trusts him,” pakli ni Janella.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with