^

PSN Showbiz

Matteo at Sarah ‘di na takot magpaka-sweet!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Matteo  at Sarah �di na takot magpaka-sweet!
Sarah & Matteo

Sa piling ng mga kaibigan at kapwa nila taga-showbiz, naging open sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa kanilang relasyon.

Nagawa nilang maghawakan ng kamay, magdikit ng katawan ng walang pa­ngingimi at walang inaalala because it was the right thing to do which made people more anxious to know kung meron nang marriage proposal na naganap sa kanila. Agad naman itong itinanggi ni Matteo at sinabi pang marami pang panahon para magawa nila ito pero, hindi pa ngayon.  

Ken at Arra buwag na agad 

Parang pinahihirapan pang ma-build up ang tambalang Ken Chan at Arra San Agustin. Di pa man sila nakakaarangkada sa The Cure ay ma­tsutsugi na agad ang character ni Ken bilang doktor na mai-infect ng Monkey Virus Disease. 

Ano pang tambalan ang aasahan kung agad ay mawawala na ang isa sa kanila? Blessing lang sa dalawa ay mahusay silang artista. Kahit hindi magkasama ay maari silang sumikat bilang solo.

Marco itinanggi si Juliana

Makakahinga na siguro ng maluwag si Ma­yor Richard Gomez, at maging ni Cong. Lucy Torres-Gomez ngayong malaman nila, at dahil ipinanga­ngalandakan ng ex ni Kisses Delavin na si Marco Gallo na talagang magkaibigan lang sila ng only child nilang si Juliana. Walang ligawan na nama­magitan sa kanila. Nagpaka-gentleman lamang si Marco na eskortan si Juliana sa prom nito at sa mga event na nangangailangan ito ng kasama, kapag minarapat ni Juliana.

Malaki man ang takot ni Marco na humarap sa parents ng kanyang friend pero, ginawa niya to prove to them na wala silang masamang intensyon sa anak nila.

Kita sa showbiz mas malaki 

Napakagandang marinig na kung si Coco Martin ay inabot ng ganito katagal para makabili ng isang property sa Balesin na nagkakahalaga ng P250M, naging madali naman para kay Julia Barretto para makapagsi­mulang makapagpatayo ng kanyang dream house. Nagangahulugan lang ito na mas malaki ang kita sa showbiz.

Kaya nakapagtataka lang kung bakit ang dami-daming dumadako sa pulitika para lamang masira ang kanilang mga pangalan at karangalan na pinaghirapan nila ng matagal at inalagaan. 

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with