^

PSN Showbiz

Kaye nami-miss umarte tuwing manonood ng TV!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kaye nami-miss umarte tuwing manonood ng TV!
Kaye

Hindi na naging aktibo sa show business si Kaye Abad mula nang mag-asawa at magkaroon ng anak. Matatandaang pinakasalan ni Paul Jake Castillo ang aktres noong December 2016. Mula noon ay sa Cebu na nanirahan si Kaye kaya ngayon ay hinahanap-ha­nap na raw ng aktres ang pag-arte sa harap sa kamera. “Hindi ako nahirapang iwan (ang pagi­ging artista) pero nami-miss ko na ‘yung pag-arte. Kapag nanonood ako ng teleserye, sasabihin ko parang nami-miss ko na. Iniisip ko kung paano na kaya sila sa taping,” nakangiting kwento ni Kaye.

Aminado ang aktres na nami-miss din niya ang pinanggalingang pamilya lalo na ang kanyang ina. “’Yon ang lagi kong sinasabi sa kanya, na huwag siyang malungkot. Kasi malapit lang naman ang Cebu at anytime pwede silang pumunta, and nakakauwi rin naman ako ng Manila. Alam niya ‘yon, na huwag siyang mag-worry sa akin dito kasi okay ako rito. Lagi kong sinasabi sa kanya na okay ako,” pagbabahagi ni Kaye.

Sa ngayon ay nae-enjoy ng aktres ang pag-aalaga sa kanilang limang buwang anak na si Pio Joaquin. Malayung-malayo raw ang ginagampanan ni Kaye ngayon bilang isang tunay na ina kumpara sa mga nagawa niyang role noon. “Totoo na siya, hindi na siya taping na may unan ako sa tiyan,” pagtatapos ng aktres.

Gusto na umano ng mag-asawa na magkaroon ng anak na babae kaya plano na nilang sundan ang panganay na anak.

Claudia gustong tanggalin ang hiya

Kahit ganap nang isang recor­ding artist ng Universal Records ay gusto pa rin daw mag-voice lessons ng anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla na si Claudia Barretto.

Nakatakdang pumunta ng dalaga sa Amerika upang magkaroon pa ng kaalaman sa music production. “In terms of making music, this summer I’m actually going to L.A. to learn the basics in music production. So I can start getting more creatively involved in projects,” bungad ni Claudia.

Kamakailan ay inilunsad na ang self-titled EP ng dalaga. Mayroon itong limang tracks na siguradong magugustuhan ng kanyang mga tagahanga.

Ninanais umano ng nakababatang kapatid ni Julia Barretto na pagbutihin pa ang pagkanta kaya talagang gusto pang matuto ng ibang bagay kaugnay nito. “I’m getting into vocal coaching. I think it helps with the confidence because I’m very shy like I said. I think vocal coaching will help me to become just more confident,” nakangiting pahayag ni Claudia.

vuukle comment

KAYE ABAD

PAUL JAKE CASTILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with