^

PSN Showbiz

Julia matatapos na ang pinatatayong mansion!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Julia matatapos na  ang pinatatayong  mansion!

Ipinakita na ni Julia Barretto ang under construction niyang bahay na ilang buwan nang ginagawa, pero ayaw pag-usapan. Ngayon lang siya nag-post at nilagyan ng caption na “That’s me sitting on the 1st floor of my almost finished home. It’s getting real...”

Ang tsika, October daw matatapos ang bahay na ipinapatayo ni Julia at sa November, makakalipat na rin siya at ang kanyang pamilya, ‘yun ay kung sasama sina Majorie Barretto at mga kapatid sa paglipat niya.

Sa nakita namin, malaki ang bahay na two story yata at may basement pa o baka car park.

Marami pang papasok na pera kay Julia dahil bata pa siya at marami pang projects na gagawin, marami pa siyang maipupundar mula sa kanyang kikitain. Dahil nagpapatayo ng bahay, malamang ang talent fee niya sa Star Cinema movie na I Love You, Hater at teleseryeng Nostalgia, sa ipinapagawang bahay mapupunta.

Tom hindi na lang basta GF si Carla

Tama lang ang ginagawa ni Tom Rodriguez na hindi sagutin ang tanong tungkol sa nawalang pera ni Carla Abellana dahil kahit GF niya ito at nagsumbong sa kanya sa nawalang pera, wala pa ring karapatan si Tom na pakialaman ang isyu. Mas mabuti nga naman kung si Carla mismo ang magkukuwento sa nangyari sa kanyang ipon.

Ang masayang ibinalita ni Tom, magkakaroon na ng bagong tele­serye si Carla and in fact, dapat last week, may meeting ang aktres para sa gagawing teleserye.

Kikiligin pala ang fans nina Tom at Carla sa pahayag ng aktor na “I don’t consider her as just my girlfriend. She’s not just my GF, she’s my partner.” Awww!!!

Atom hindi nag-expect na kikita  ang first movie

Napanood namin si Atom Araullo sa radio show ng manager niyang si Noel Ferrer, para i-promote ang commercial run ng Citizen Jake simula bukas. Sabi ni Atom, suportahan ang mga pelikulang tumatayang gumawa ng kasing tapang ng balik-pelikula ni Mike de Leon na hindi priority ang kumita.

Dagdag pa ni Atom, marka ng ating panahon ang Citizen Jake at ‘yung mga hindi umabot sa Martial Law, the movie is for you.

Napanood na namin ang Citizen Jake sa special screening sa UP Film Center and we are planning to watch it again dahil nabitin kami the first time we watched it. Nabigyan ng R-13 ratings without cuts ng MTRCB ang Citizen Jake, kaya halina, panoorin natin ang pinakamatapang na pelikula ng taon.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

MAJORIE BARRETTO

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with