^

PSN Showbiz

Ellen kinaumayan na, maraming artista gaya-gaya na sa make up ng prinsesa

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ellen kinaumayan na, maraming artista gaya-gaya na sa make up ng prinsesa
Ellen

MANILA, Philippines — Nagno-no make up look na rin ang local celebs natin matapos ang Royal Wedding. As expected nakikigaya na sila sa bagong prinsesa na si Meghan Markle.

At nagpapakita na rin sila ng freckles sa mukha. Samantalang, dati always fully made up ang karamihan sa kanila.

Anyway, inaasahang mas marami pang mga local celebs ang magbabago ng look sa naging impact ng kasimplehan at kasopistikadahan ng misis ni Prince Harry.

Anyway, literal na natabunan ang mga kaganapan sa showbiz. Ang nabukong tiyan ni Ellen Adarna, Miss Earth Philippines 2018 and Pasado Awards.

Kung sabagay pinagsasawaan na rin naman kasi si Ellen unless umapir siya sa korte, ang mga beauty contest ay napakarami na at hindi naman masyadong maingay ang Pasado Awards kaya mas tinututukan talaga ang Royal Wedding na isang fairy tale na akala natin ay mapapanood lang natin sa pelikula at mga teleserye pero puwede palang mangyari sa totoong buhay.

At dahil sa lakas ng dating ng bagong prinsesa sa fashion world, nagiging sold out na raw lahat ng mga sinusuot nito.

Birdshot at Deadma Walking may libreng film showing sa FDCP seminar-workshop!

Bilang bahagi ng inaabangang 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), magkakaroon ng special screening para sa dalawang nominadong Best Film sa two-day workshop ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Mapapanood ang Deadma Walking ng T-Rex Entertainment sa ?May 26 , 6 p.m., at Birdshot ng TBA Production sa ?May 27, 6 p.m., sa Cinematheque Center Manila ng FDCP.

Ang libreng film showing ay bahagi ng #playitright anti-piracy campaign ng Globe.

Ipalalabas ang dalawang nominadong pelikula pagkatapos ng nakatakdang seminar-workshop ng FDCP para sa mga film enthusiast.

Inaasahang dadalo ang director ng dalawang nabanggit na pelikula na sina Mikhail Red of Birdshot and Julius Alfonso of Deadma Walking.

Sa ?May 26 (9 a.m.-12 noon), tatalakayin ang aspeto ng Musical Score kasama si Teresa Barrozo; at Sound Design (?2 p.m.-5 p.m.) kasama si Immanuel Verona.

Sa ?May 27 (9 a.m.-12 noon), magkakaroon ng workshop sa Acting kasama si Anthony Falcon; at Cinematography (?2 p.m.-5 p.m.), sa pamamahala ni Rain Yamson II.

Samantala, bago ang The EDDYS, nakatakdang idaos ang Nominees Night sa ?June 3, 5 p.m., sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Makakatuwang pa rin dito ng SPEEd ang FDCP, kung saan ibibigay ng mga opisyales ng SPEEd at ni Chairman and CEO Liza Dino ang certificates of nomination sa lahat ng mga nominado.

Ang awards night para sa 2nd EDDYS ay magaganap sa darating na Hulyo, sa pakikipagtulungan nina Chairman Liza at Globe Senior Vice-President Yoly Crisanto.

Pagkatapos ng awards night, magkakaroon ng bonggang after-party na tatawaging The EDDYS Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.

Sa direksyon ni Paolo Valenciano, inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga natatangi at de-kalidad na pelikula noong 2017.

Ang Globe Studios ang major presenter habang ang fastest-growing FM station na Wish 107.5 naman ang hahawak sa production ng 2nd EDDYS.

Mga kababaihan bumida sa Hapinay Day

Tuloy ang pangunguna ng DZMM pagdating sa serbisyo-publiko sa pagdaraos nito ng HaPINAY Day: DZMM Buntis Congress kahapon sa Robinson’s Place Las Piñas Activity Center para magdala ng saya, bagong kaalaman, at tulong sa mga kababaihan.

Ngayong taon, hindi na lamang para sa mga nagdadalang-tao ang proyekto nila kundi pati na rin sa mga nanay, tita, lola, at dalaga.

Bukod kasi sa  Buntis Tips o impormasyon sa pangangalaga sa kalusugan habang nagbubuntis hanggang sa pagpapasuso at paggawa ng pagkain ng bata, natututo rin ang mga dumalo ng  Ganda Tips  para mapanatili ang kagandahan at magandang pangangatawan, at  Wais Tips sa pamamalakad ng tahanan at pagpapalaki ng mga anak. 

Maliban sa mga eksperto tulad nina Dr. Bles Salvador, Cory Quirino, Dr. Luisa Ticzon-Puyat, Dr. Lulu Marquez, Atty. Claire Castro, at Vic Garcia, dumayo rin sina Joshua Marquina, Markki Stroem, at ang prince of RnB na si Jay-R kung saan kinilig ang mga HaPINAY.

Nagkakaroon din ng mga booth kung saan libreng makakapag-pakonsulta ang mga Kapamilya tungkol sa pagbubuntis, isyung pang-magasawa, at pagkalinga sa mga batang may espesyal na pangangailangan.

Libo-libo na ang napaglingkuran ng DZMM Buntis Congress sa loob ng 16 na taon na pagsasagawa ng proyekto. Samantala, patuloy naman ang pangunguna ng DZMM sa paghahatid ng balita. Nananatili pa rin ang DZMM Radyo Patrol 630 bilang numero unong AM radio station sa Mega Manila base sa survey na isinagawa ng Kantar Media Radio Survey mula Marso 19 hanggang 25, 2018.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with