^

PSN Showbiz

Joshlia pinag-iipon ni Kris

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Joshlia pinag-iipon ni Kris
JOSHLIA

PIK: Si Manilyn Reynes ang isa sa pinakamasaya nang isinama siya sa bagong drama series ng GMA Telebabad na Inday Will Always Love You.

Nang sinabi raw sa kanya ang buong detal­ye ng bagong seryeng ito nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio, siya ang pinakamasaya dahil makakauwi na raw siya sa lalawigan niya at makakatigil nang matagal-tagal.

Kaya good vibes lang daw at walang kanegahan sa taping dahil nag-enjoy siya sa Cebu kasama pa ang mga co-stars na lahat kasundo niya.

Mamayang gabi na magsisimula ang Inday Will Always Love You pagkatapos ng Kambal Karibal.

PAK: Tuluy-tuloy pa rin ang paglabas ng mga sex video na ewan ko kung saan at kung paano nakuha.

Ang latest na pinagpiyestahan ng mga kabadingan ay ang video ng sikat na basketball player na na-link sa isang sikat na gay showbiz personality.

Umabot ng four minutes at 56 seconds ang video ng basketball player pero may nagsasabing hindi raw ‘yun si basketball player.

Hindi gaanong nakita ang mukha, at nung ipinakita na ang naghuhumindig nitong pagkalalaki, hindi na nakita ang mukha.

Ganun din ang isang sex video ng guwapong Fil-Am model/actor na kagaya ni basketball player, bongga rin ang pag-aari niya. Kaya kapag kumalat ito, tiyak na pagnanasaan siya ng mga kabadingan.

Umabot naman ng three minutes at 57 seconds ang haba ng video na kitang-kita ang mukha ni model/actor. Pero pagdating na sa baba, hindi na kita ang mukha niya. Kaya puwedeng hindi rin kanya at pinalabas na lang na kanya ang video na iyun.

Maingat lang sila sa video scandal na ito kumalat, at baka maka­apekto pa ito sa mga endorsements niya.

BOOM: Trip to New York ang pangako ni Kris Aquino sa magka-loveteam na Joshua Garcia at Julia Barretto.

Iyun ang surprise ng Queen of All Media sa JoshLia kapag maganda raw ang kalalabasan ng pelikula nilang I Love You Hater na magsu-showing na sa June 13.

Sabi ni Kris sa pictorial nila nung nakaraang Biyernes May 18, nalaman daw niyang gustung-gusto ng magka-loveteam na pumunta ng New York kaya nangako na raw siya sa ticket.

“Sinabi ko yung New York na yan, o basta mag-hit tayo sagot ko na si New York. Yung tickets ha? Pero yung hotel, yung tour, yung mga pagkain, mag-ipon na kayo for that.

“Kasi di ba in life, you always have to have something to look forward to? Yun nga ang sinasabi ko sa kanila na dapat ma-excite na kayo,” pahayag ni Kris.

Kaya nabuhayan daw si Joshua, at kahit pagod na ito sa shoot nila, nabuhayan daw siya bigla.

“It’s so nice to be able to work with people who genuinely care about your dreams and your well-being. So, it’s an honor to have been able to work with Tita Kris,” sabi ni Julia.

Doon na rin sa pictorial ay ni­linaw ni Kris ang tungkol sa movie date nila ni Mayor Herbert Bautista nang magkasabay silang nanood ng Kasal sa Trinoma.

“Nanood lang ng sine. That’s it. I don’t think panliligaw yun,” mabilis na sagot ni Kris.

“When there are 20 of you na nanood ng sine, I don’t think so.

“Kasi sila pag nanood ng sine, silang dalawa lang eh. Kami, barangay ang kasama namin,” sina Joshua at Julia ang tinutukoy niya.

vuukle comment

JULIA BARRETTO.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with