^

PSN Showbiz

Anne-Dingdong Movie binuhay ang 90s Music

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Anne-Dingdong Movie binuhay ang 90s Music
Dingdong at Anne

Ang daming tao sa SM City Dasmariñas, sa movie tour nina Dingdong Dantes at Anne Curtis para sa promo ng Viva Films at N2 Productions ng Sid And Aya (Not A Love Story) na showing sa May 30. Punung-puno ng tao ang mall at sa napanood naming video, enjoy sila sa song numbers nina Dingdong at Anne.

Tipid sa sagot ang dalawa at si direk Irene Villamor sa tanong ng press people sa story ng Sid And Aya  at ang assurance lang ni direk Irene, hindi ghost ang karakter ni Anne. Kapag napanood na ang pelikula malalaman kung bakit kahit nasaan si Sid (Dingdong), naroon si Aya (Anne).

Malaking parte ng pelikula ang music ng 90s. Sabi rin nina Dingdong at Anne, isa ang mga ginamit na songs ang nagpaganda sa Sid and Aya.

Anyway, busy ang schedule ni Dingdong sa promo ng Sid And Aya and this Monday, magti-taping siya sa anniversary special ng Tadhana na siya ang director at si Marian Rivera ang kanyang artista. Kabilang sa cast si Lotlot de Leon na gaganap bilang sister ni Marian.

Dennis naunahan ng kapatid sa pagpapakasal

“Wala pa rin” ang sagot ni Jennylyn Mercado kung may plano na silang magpakasal ni Dennis Trillo pagkatapos ng bakasyon nila sa Balesin.

Kung may ikakasal man sa family nina Dennis, ang sister niya ‘yun na kasama nila sa Balesin. “No plans yet, no secret wedding, nag-i-enjoy lang kami at marami pa kaming plano,” sagot ni Jennylyn.

Focus si Jennylyn ngayon sa taping ng The Cure, gusto niyang suklian ang kabaitan ng GMA-7 sa kanya by giving her 100 percent effort sa epidemic drama. In fact, hindi muna niya ginawa ang horror movie ng Reality Films para sa isang project lang ang attention niya.

Janella at Jameson huhusgahan na

Rated PG ng MTRCB ang So Connected ng Regal Multimedia na showing sa May 23 at tampok sina Janella Salvador at Jameson Blake. Wala pang ni-release ang CEB (Cinema Eva­luation Board) kung anong grade ang rom-com series sa direction ni Jason Paul Laxamana.

Wala mang grupo ng fans ang tambalan nina Janella at Jameson, masipag naman silang mag-promote at maganda ang So Connected, hindi masasa­yang ang mga magbabayad to watch the movie. Saka, nangako ng suporta ang fans nina Janella at Elmo Magalona, kabilang sila sa mga manonood ‘pag pinalabas na ang movie.

Pero, paano ‘pag nag-klik ang tambalan nina Janella at Jameson at masundan ng iba pang pelikula? Paano kung mas kumita ang So Connected sa My Fairy Tail Love Story na pinagtambalan nina Janella at Elmo na hindi masyadong kumita?

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with