^

PSN Showbiz

Singer-actor nagpahawak sa kaaway ng manager!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Biglang nawala sa sirkulasyon ang isang singer-actor na dati’y halos buwan-buwang may show. Dalawa-singko ang concert niya nu’n, hindi niya kahanay ang mga sikat at de-kalidad na male singers, pero kinakabog niya sa pagkakaroon ng mga show ang mga di hamak na mas nauna kesa sa kanya.

Pero nasaan na nga ba ngayon ang male singer? Produkto lang ba siya ng hype dahil ang kanyang manager nu’n ay isang reporter? Ano na ba ang nangyari sa singing career niya?

Kuwento ng isang source, “Magpakatotoo na tayo, kaya lang naman siya nakilala, e, dahil sa manager niya na kung ibenta siya sa publiko, e, sakdal galing niyang kumanta.

“Pero sa totoo lang, napakaordinaryo lang naman ng boses niya, one of those lang, kayang-kayang gawin ng kahit sino ang style niya. Pero dahil nga sa manager niya na magaling sa promo, ayun, nagkapangalan siya at monthly ang concert niya.

“Nawawala siya sa circulation ngayon dahil hindi naman siya kukuning main artist ng iba, ang dating manager lang niya ang makagagawa nu’n para sa kanya. Manalo o matalo, tanggap ‘yun ng manager niya dahil exposure lang ang habol niya.

“E, meron bang nakahandang mamuhunan para sa kanya ngayon? Daang libo rin ang puhunan sa isang simpleng show sa isang hindi kalakihang venue, kaya mahihirapan siyang makatagpo ng show producer na katulad ng dating manager niya, sa totoo lang!” kuwento ng aming impormante.

Kumalat din ang kuwento na sadya ang pananahimik ngayon ng singer-actor dahil ang nilipatan pala niyang management agency ay kalaban ng dati niyang manager.

“’Yun ang isang istorya. Hindi muna siya visible ngayon dahil lumipat siya sa pangangalaga ng isang production na kalaban ngayon ng ex-manager niya. ‘Yun daw ang kasi ang naging usapan nila, puwede siyang pakawalan ng manager na nagpakahirap sa kanya, provided na hindi siya magpapaalaga sa production na kakontra ng ex-manager niya.

“Kumbaga, e, nagpapalipas lang siya ng panahon, pero isang araw, e, bigla na lang siyang magiging active. At sa pagkakataong ‘yun, ang kalaban na ng dati niyang manager ang mayhawak sa kanya,” kuwento pa ng aming source.

Ubos!

Alang-alang sa eleksiyon? Mayor Herbert pinagbigyan lang ang ‘gimik’ ni Kris

Bumalandra agad sa social media ang magkatabing panonood ng sine nina Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino. Natural, nilawitan na naman nila ng pain ang mga gutom na bashers, kaya kaliwa’t kanan na naman ang pamba-bash sa kanila.

Gusto naman siguro ni Kris na may kasalo siya sa popcorn habang nanonood siya ng sine. Alangan namang puro ang mga staff niya na lang sa kanyang production ang palagi niyang kasama.

Pagdating sa pagpaplano ay walang makakakabog kay Kris. Naalala tuloy namin ang kuwento tungkol sa isang male news personality na minsang nataypan ng aktres-TV host.

Ilag na ilag sa kanya ang male news personality, alam nito ang nagaganap kapag nakipaghiwalay na si Kris sa kanyang karelasyon, ayaw nitong mapabilang sa mga lalaking ‘yun.

Pero sabi nga, what Kris wants, Kris gets. So, isang araw ay naglambing siya sa male news personality na sunduin siya sa kanyang bahay para sa kanilang dinner, walang nagawa ang iwas na iwas na lalaki.

Sabi ng aming source, “Nagulat ‘yung guy, kasi, sa lobby pa lang ng tinitirhan ni Kris, e, ang dami-dami nang mga camera! Nakaabang na sa pagdating niya! So, ang ginawa ng male news personality, e, hindi na bumaba.

“Magkita na lang daw sila ni Kris sa venue dahil marami pa siyang ginagawa. Nakakaloka, di ba? May mga cameramen na agad du’n, talagang idodokumentaryo ang pagsundo niya kay Kris!” humahalakhak na pag-alala ng aming source.

E, malapit na rin ang eleksiyon, akala lang ng iba ay malayo pa, kaya siyempre naman ay nakikipagsayaw rin sa tugtog si Mayor Herbert, or else, baka matulad ito kay Mayor Joey Marquez.

Alam na!

vuukle comment

MAYOR HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with