^

PSN Showbiz

Kasal ni Bea hindi umariba sa takilya!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Kasal ni Bea hindi umariba sa takilya!
Derek, Bea, & Paulo

Aktres na kumabit sa pulitiko, nabuko ng misis na pinakanta!

PIK: Hindi na gaanong umariba sa takilya ang pelikulang Kasal pagkatapos maglabas ng press release ang Star Cinema na naka-P10M daw sa first day of showing nito.

Maaring hindi na-gets ng mga manonood kung ano talaga ang gustong tumbukin ng pelikulang ito.

Ang mapupuri lang namin sa pelikula ay si Ricky Davao na buo ang karakter na ginagampanan. Ang galing niya bilang isang transgender na ama ni Bea Alonzo.

Akala namin kaya si Ricky ang kinuha nilang gumanap sa role na iyun dahil sa role na ginampanan niya sa My Korean Jagiya ng GMA 7.

Pero sabi ni Ricky, masusi raw nilang pinag-aralan ang karakter na ginampanan at nag-look test pa raw muna sila para makita kung bagay sa aktor ang naturang role.“Nag-look test pa nga ako sa role ko. Akala kasi nila ganun pa ako kalaki. Eh, I already lost 20 pounds,” pakli ni Ricky.

Pero kahit ano pang promo ang gawin ng Star Cinema sa pelikulang ito, parang mahirap na itong paangatin pa dahil sa bigat ng tema na obvious na hindi na nila alam kung ano talaga ang gusto nilang palabasin sa pelikulang napakaluma ng pag-handle sa takbo ng kuwento.

PAK: Kung ikaw ay isang asawa na nabukelya mong ang babaeng kaharap mo ay karelasyon pala ng asawa mo, ano ang gagawin mo?

Napag-usapan kasi namin ang nangyari sa isang kilalang aktres na ang tsismis na nakarating sa amin, karelasyon daw ito ng isang government official na meron palang asawa.

Ayon sa nagkuwento sa amin, naimbitahan daw itong si aktres na kumanta sa isang event na kung saan nandun din ang tunay na asawa ng karelasyon niyang government official.

Kumanta na raw si aktres sa entablado, naisipan niyang magpa-audience participation.

Tinawag niya si wifey ni government official na sabayan siya sa pagkanta. Sabi raw ni wifey, hindi niya alam ang kanta. Pinilit pa rin siya ni aktres, at inabot ang cellphone niya dahil nandun daw ang lyrics. Sabayan lang daw siya sa pagkanta. Napilitan tuloy si wifey na gawin. Hawak na niya ngayon ang cellphone ni aktres at sumasabay na siya sa pagkanta na binabasa ang lyrics sa cellphone ni aktres.

Kaya lang, biglang nag-text pala itong si government official kay aktres na ang mensahe raw ay tipong nagtatanong kay aktres kung nandiyan pa raw ba sa event na iyun ang asawa niya.

Eh ang mismong asawa ang nakabasa na gulat na gulat dahil kapangalan ng asawang government official ang nag-text.

Ang ginawa raw ni wifey, bumaba ng stage dala ang cellphone ni aktres. Dumeretso raw ito ng CR at nag-lock. Doon daw binasa ni wifey ang buong thread ng conversation ni aktres at ng asawa niya.

Ayun nabukelya! At dagdag pang kuwento sa amin, nagkaroon daw ng matinding confrontation sa gitna nina wifey at ni aktres.

Ang latest na kuwento sa amin, umabot na raw sa tanggapan ni government official ang mala­king gulong ito. Hindi na namin alam kung ano ang sumunod na pangyayari. Gusto sana naming alamin kay aktres kung totoong nangyari ba ito.

BOOM: Tahimik lang si JC de Vera, pero hindi naman niya itinanggi na isa na siyang ama.

Lumabas lang sa isang social media account ang kuha niyang kasama ang baby at ang ina.

Through his manager Leo Dominguez, nagpadala ng sagot si JC na “I’m proud to be one,” sa tanong kung isa na siyang daddy.

Sabi pa ni Leo, “Private nga lang po iyun, kasi non-showbiz po ang mom ng anak niya. Hanggang dun na lang po muna.”

Matagal nang napag-usapan ang tungkol sa nabuntis ni JC ang kanyang non-showbiz girlfriend pero iniiwasan na itong pag-usapan ng aktor.

Pinili niyang tahimik lang ang personal na isyu ng buhay niya.

vuukle comment

KASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with