^

PSN Showbiz

Anne at Dingdong nag-gaguhan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anne at Dingdong nag-gaguhan!
Anne

Babaeng walang pahinga si Anne Curtis noong Huwebes dahil kararating lang niya mula sa Batanes pero umapir agad siya sa grand presscon ng Sid & Aya (Not A Love Story), ang unang pagtatambal nila ni Dingdong Dantes sa pelikula.

Ten days na namalagi si Anne sa Batanes dahil dito siya nag-shooting para sa bagong movie project niya, ang Aurora kaya matagal na hindi napanood ang Princess of All Media sa It’s Showtime.

Mainit ang panahon sa Batanes kaya tan na tan ang kulay ni Anne nang magpakita siya sa presscon ng Sid & Aya.

Maingat na maingat sina Anne, Dingdong at ang direktor na si Irene Villamor sa pagkukuwento tungkol sa pelikula nila na mapapanood sa mga sinehan simula sa May 30 or else, baka magkaroon ng idea ang mga tao tungkol sa tema ng project nila.

Basta ang sabi nina Irene at Dingdong, may gaguhan na sangkot sa kuwento ng Sid & Aya at kahit pigil ang kanilang sharing in the city, malinaw na ang karakter ni Dingdong ang nang-gago sa papel na ginampanan ni Anne.

Dahil limitado ang pagkukuwento ng mga artista at direktor ng coming soon movie ng Viva Films, lalong naintriga ang madlang-bayan  kaya nag-promise sila na panonoorin ang Sid & Aya.

Tatlong bilyong tao inaasahang tututok sa Royal Wedding!

Mapapanood ngayong hapon sa CNN, BBC at sa ibang mga cable television network ang Royal wedding of the Year nina Prince Harry at Meghan Markle.

Dahil feeling royal blood din ako, dadalo ako sa kanilang kasal sa pamamagitan ng panonood sa live telecast ng pag-iisang dibdib ni Prince Harry na nasubaybayan natin ang paglaki at ni Meghan na diborsyada pero nagkaroon ng second chance na magmahal muli pero mas bongga na ang kapalaran niya.

At dahil senior citizen ako, nagkamali ako dahil ang buong akala ko, bukas pa, Linggo, May 20, ang live telecast ng royal wedding.

Nakakundisyon pa naman ang isip ko na pagkatapos magsimba, wala nang puwedeng makaabala sa akin dahil tututukan ko na ang coverage sa arrival ng mga bisita at ang wedding ceremony.

Naloka ako nang malaman ko na ngayong hapon na pala ang televised wedding nina Prince Harry at Meghan mula sa London. Mag-uumpisa ng 4:30 pm ang coverage sa pagdating ng mga invited guest at 7 pm ang simula ng wedding ceremony.

Mahigit sa tatlong bilyong tao sa iba’t ibang panig ng mundo ang expected na manonood ng live coverage ng wedding of the year kaya sorry na lang muna sa mga local show natin dahil sure na nakatutok ang karamihan sa mga Pinoy sa mga ganap sa fairy tale wedding nina Prince Harry at Meghan.

Pres. Duterte inalok mag-senador si Willie?!

Nag-viral ang video ng pagkikita nina President Rodrigo Duterte at Willie Revillame sa lamay para sa labi ni former Senator Edgardo Angara sa Heritage Park noong May 14.

Matagal na nag-usap sina Papa Digong at Willie as in umabot daw ng limang oras ang kuwentuhan portion nila ang balita na nakarating sa akin.

May mga pilosopo na nagtanong kung nabigyan ba raw ni Willie ng jacket si Papa Digong o siya ang inalok ng pangulo na kumandidato na senador sa eleksyon sa 2019 dahil maingay ang tsismis na may mga kumukumbinsi sa Wowowin host na tumakbo na senador.

Hindi kami nagpang-abot nina Papa Digong at Willie sa burol ni Senator Angara dahil gabi na nang dumating sila sa Heritage Park.

Alam ko na makikiramay si Papa Digong sa Angara family dahil nang magpunta ako sa Heritage Park noong Lunes para makisimpatiya sa pamilya ni Cheng Muhlach, mahigpit na ang security sa naturang lugar at nagkalat ang SWAT team, PSG at detection dogs.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with