^

PSN Showbiz

Bea matagal hinintay si Aga!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bea matagal hinintay si Aga!
Bea

Patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ang pelikulang Kasal na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay.

Ngayon ay nakatakda nang gawin ng aktres ang isang bagong proyekto na kasama si Aga Muhlach. Kukunan pa umano sa ibang bansa ang maraming eksena para sa bagong pelikula “Pupunta po ako sa Vancouver to do a movie with Aga Muhlach. Si direk Paul Soriano ‘yung director ko. I will be working with them for the first time. Of course, I am very excited,” nakangiting bungad ni Bea.

Mula pagkabata ay napapanood na ng aktres ang mga pelikulang ginagawa ni Aga kaya noon pa man ay pinapangarap na ni Bea na makatrabaho ang aktor. “Very excited ako, matagal ko na siyang gusto makatrabaho kahit na noong bago pa siya umalis sa ABS-CBN. Matagal ko nang pangarap. Finally, magkakaroon ako ng pagkakataon. Ang dami kong pelikula niya na napanood. In every movie, iba ang binibigay niya. So excited ako makita kung ano ang ibibigay niya this time,” pahayag ni Bea.

Para sa dalaga ay dapat pakaabangan ng mga tagahanga ang bagong pelikula nila ni Aga dahil ibang-iba ito sa kanyang mga nagawa noon. “Drama pa rin siya pero with different attack siyempre, it’s a different type of film. I can’t really share yet. I don’t know kung hanggang saan ang kaya kong i-share because medyo iba rin ‘yung plot niya,” pagtatapos ni Bea.

Shamcey practical na sa pinagbubuntis

Mahigit dalawang taon na ang panganay na anak ni Shamcey Supsup at negosyanteng si Lloyd Lee na si Nyke.

Ngayon ay apat na buwan na ang ipinagbubuntis ng beauty queen kaya masayang-masaya silang mag-asawa para sa pagdating ng pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya. “I’m four months pregnant and we’re very happy to welcome this new blessing in the family,” pahayag ni Shamcey.

Ayon sa beauty queen ay mas madali ang kanyang pagdadalang-tao ngayon kumpara noong ipinagbuntis ang kanilang panganay na anak na babae. “Mas mataba ako ngayon, mas grabe ang kain. Lagi akong gutom compared to my first baby. Mas madali na siguro ngayon because I’ve already experienced it with our first baby,” kwento niya.

Naging praktikal na rin ngayon ang mag-asawa pagdating sa pagbili ng mga gamit pambata. “Hindi na masyado, hindi na ako nagpa-panic buying ng pwede i-recycle, gamitin na natin for the baby number two,” pagtatapat ni Shamcey.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with