^

PSN Showbiz

Kaya umiiyak na lang, Female personality hindi makapag-asawa sa rami ng kontrata!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung totoo ang mga kuwentong pinagpipistahan ngayon tungkol sa isang sikat na female personality ay nakakaawa naman siya. Para pala siyang ibon na nakakulong sa gintong hawla.

Ibinigay na ng babaeng personalidad ang kaginhawahang ipinangako niya para sa kanyang pamilya, may mga negosyo na ngayon ang kanyang mga magulang, ano pa ba ang kulang para ang personal naman niyang kaligayahan ang bigyan-halaga ng sikat na female personality?

Kuwento ng isang source, “Nag-try na siyang magpaalam sa parents niya na gusto na niyang magbuo ng sarili niyang pamilya. Gusto na niyang mag-asawa! Tutal naman, e, nakita na niya ang lalaking napakaresponsable para maging ama ng mga magiging anak nila.

“Pero nabigo ang girl, hindi pa puwede, meron pa siyang dapat gawin at tapusin bago siya lumagay sa estadong gusto niya. Nirolyohan siya ng mommy niya ng mga kailangan pa niyang gawin.

“Meron ding mga kontratang ipinakita sa kanya na hindi pa siya puwedeng mag-asawa, or else, makakasuhan siya! Okey lang, pinalampas ‘yun ng girl, tatapusin niya muna ang lahat-lahat ng kompromiso niya.

“Pero dagdag pa rin nang dagdag ang trabaho niya, tanggap nang tanggap ang mga nag-aalaga ng career niya, kaya naging malaking problema ‘yun sa girl. Paano na ang personal happiness niya? Kailan matatapos ang mga trabaho niya kung nadadagdagan naman palagi?” simulang kuwento ng aming impormante.

Maraming nagkokomento na baka tumandang-dalaga na lang ang sikat na female personality kung palaging ganyan ang nangyayari. Paano kung mainip na rin ang kanyang boyfriend? Paano kung mahal na mahal man siya nito ay napagod na pala sa kahihintay sa kanya?

“May kasabihan nga na magpaalam ka at ayaw, di gawin mo na ang gusto mo, tutal naman, e, nagbigay-respeto ka. Pero hindi ganu’n ang girl, gusto niyang mag-asawa nang wala siyang bitbit na problema.

“Napakabait ng taong ‘yun, sobrang bait, puro iyak na lang ang ginagawa niya kapag walang nakikinig sa gusto niyang mangyari. Sobrang pasensiyosa siya, masyado siyang masunurin sa gustong mangyari ng family niya!

“Sarado ang utak ng mga kapamilya niya sa personal happiness niya, sa totoo lang! Nakakaawa naman talaga siya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sharon maraming pambala sa talak ni Gabby!

Komento ng isa naming kaibigan na napakalapit kay Sharon Cuneta, “Huwag na huwag nilang sasalatin ang kuta ng langgam at siguradong kakagatin sila!”

Napakarami niya kasing puwedeng sabihin, patung-patong ang mga istoryang puwede niyang ipagbanduhan sa publiko, kapag pinilit siya.

Paalala pa ng aming kakuwentuhan, “Hawak ni Sharon ang mga alas. Kahit anong baraha pa ang itapon ng mga naninira at nambabaligtad sa kanya ngayon, e, siguradong butata pa rin sila.”

Huwag na huwag din daw memenosin ng kahit sino ang pagiging ina ng Megastar dahil kapag naisipan na niyang ilabas ang lahat ng mga detalye ay baka mabaon sa lupa ang mga naninira sa kanya bilang nanay.

“Napakarami niyang puwedeng sabihin. Nakatago lang ‘yun sa puso niya. Kung ebidensiya ang kailangan bilang patunay, alam n’yo naman kung gaano ka-organized si Shawie, naka-album pa, kung gusto nila ng proofs.

“Huwag na huwag nilang gagalitin si Sharon, kapag nagsimula na siyang naglabas ng mga saloobin niya, wala nang katapusan ‘yun! Kilala n’yo namang maglitanya ang taong ‘yun, patay kung patay!

“Basta nasa tama siya, e, walang kahit sinong makapipigil sa kanya. Kaya ‘yung mga taong nagsasabing wala siyang kuwentang ina, maghintay lang sila kapag pinuno nila si Sharon,” kuwento pa ng aming kaibigan.

May kinalaman kay KC ang kuwento. Kung paano itong pinalaking mag-isa ng Megastar nang walang kahit anong naitulong si Gabby Concepcion.

Nagpakawala na ng mga litanya si Sharon, pero simula pa lang ‘yun, kapag hindi na siya makapagpigil ay siguradong mabubulabog ang mundo ng ama ni KC na ayon sa aming kausap ay walang pamimilian kundi ang manahimik na lang.

“Ano ang ipangongontra ni Gabby sa mga revelations ni Sharon, meron ba? Nag-contribute man lang ba siya sa kung sino at ano si KC ngayon?

“Sige, maghamon sila, para magkaalaman na!” madiing sabi pa ng kausap naming malapit kay Sharon Cuneta.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with