Bashers ng actress, iniimbestigahan na ng NBI!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2018 - 12:00am

Uy na-trace na raw ng NBI ang mga basher ng isang actress na parang hindi na mga tao kung magmura ayon sa kuwento ng isang source.

Actually, hindi raw ang actress ang lumapit sa NBI kundi ang mga malalapit na kaibigan ng actress dahil nga tagos sa kaluluwa na raw kung pagsalitaan ang actress sa social media.

Kaya naman tinututukan daw ‘yun ng NBI at nahanap na ang koneksiyon ng mga basher.

Ayon sa source, identified sa isang network ang bashers na iniimbestigahan ng NBI pero hindi pa ito nakakarating sa mga bossing ng nasabing network.

Ayon pa sa source, ayaw na lang itong palakihin ng actress na suki ng basher. Pinagpapasa-Diyos na lang daw ito.

Well, hanggang blind item lang ang puwede at nakikiusap ang source na ‘wag na lang pangalanan dahil ang importante raw ay nalaman nila ang identity ng bashers na visible ang pangalan sa social media.

Ganun na lang dapat ang gawin ng ibang mga naba-bash. Kesa umiyak sila sa mga interview, paimbestigahan agad nila sa NBI.

‘Wag magpetiks-petiks dahil wala namang mangyayari ang pag-iyak nila.

Sid & Aya may international screenings na agad 

May international screenings na agad na nakalinya ang pelikulang Sid & Aya (not a love story) na sa kauna-unahang pagkakataon ay pinagsama ng Viva Films ang Princess of All Media na si Anne Curtis at ang 49th Box Office Entertainment Awards’ Film Actor of the Year na si Dingdong Dantes sa isang pinaka-aabangang romance-drama movie na magbubukas sa mga sinehan simula sa May 30.

Sa Middle East theaters simula sa June 7 at ang US screenings naman ay magsisimula sa June 8. Mapapanood din ito soon ng ating mga kababayan sa Rome, Italy at Hongkong.

Ang pelikula ay mula sa panulat at direksyon ng box-office writer / director na si Irene Villamor (Camp Sawi at Meet Me In St. Gallen), dumayo pa sina Anne at Dingdong sa Japan para i-shoot ang ilang importanteng eksena ng pelikula.

Sa kwento, si Dingdong si Sid, isang insomniac, habang si Anne naman si Aya, ang misteryosang babae na makikilala at uupahan niya para makaraos sa lungkot ng mga gabing ayaw siyang dalawin ng antok.

Maintriga ang tagline ng pelikula na hindi ito isang love story. Pati ang description na kasama ng full trailer sa YouTube, kumikiliti rin sa imahinasyon ng moviegoers.

Unang nagsama sina Anne at Dingdong sa isang programa sa telebisyon, ang TGIS,  pero ngayon pa lamang sila nagkapareha sa isang full-length movie.

Base sa trailer na ni-release ng Viva kamakailan, makikita ang lakas ng chemistry ng dalawa, lalo pa nga’t may ilang maiinit silang eksena.

Pero gaya nga ng sabi ng karakter ni Dingdong na si Sid, “Hindi naman lahat ng may ‘I love you,’ ay love story na, eh.”

Samahan din ang stars ng movie sa kanilang movie tour on May 19 (Sat), 5PM at SM City Dasma­riñas; May 20 (Sun), 4PM at Ayala Malls Cloverleaf; May 26 (Sat), 4PM at Gateway Cineplex and 6PM at Ayala Malls Feliz; May 27 (Sun) 4PM at SM City Bicutan and 6PM at SM City Sta. Rosa.

 Nora kabado sa pagtatanggol sa anak

Para lang sa upcoming primetime drama series na Onanay ang pinirmahang kontrata ni Ms. Nora Aunor sa GMA Network last week.

Present sa naturang contract signing sina GMA Entertainment Content Group Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, GMA Assistant Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy and Senior Program Manager Helen Rose S. Sese.

Ang Onanay ay isang kakaibang klase ng kuwento ng pagmamahal at pagtanggap sa pagitan ng ina na nagdurusa sa sakit na Achondroplasia, a bone growth disorder that stunted her growth and her two daughters who grew up physically normal despite the mother’s condition.

At gagampanan ni Ms. Nora ang isang special role in the series as Nelia, a loving and caring grandmother who is kind yet willing to fight for what is right and will do everything for her family.

 “Napakasaya ko po dahil binigyan ako ng pagkakataon ng GMA 7 na magkaroon ng bagong show. Gusto ko ‘yung teleserye at maganda ‘yung istorya. Tungkol ito sa kung paano magmahal ang isang ina sa isang anak, at kung paano ipagtanggol ang isang anak ng ina,” she says sa kanyang gagampanang role.

 “Dahil sa tagal na hindi ako gumawa ng mga ganitong serye, kabado po ako at dito sa bagong show, ‘yung mga bata na ang nakakasama ko. May kaba pero excited din dahil maganda ang kwento,” sabi pa niya after the contract signing.

Sa aking palagay lamang, itong ginagawa namin, sabi nga nila, ‘pag puso ‘yung pinagsama sa isang proyekto, walang tatalo diyan, kasi andiyan ‘yung pagmamahalan, ‘yung tulungan, walang lamangan,” comment pa ni Ms. Nora tungkol sa kanyang comeback project sa GMA.

Maging simula na kaya ang kuwentong ito para makaayos na rin Ate Guy ang kanyang mga anak na umano’y hindi man lang ito naalalang batiin nung Mother’s Day?  

ANNE CURTIS DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with