Bea ayaw na uling hanapin ang amang Briton!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2018 - 12:00am

Malaki ang pasasalamat ni Bea Alonzo sa inang si Mary Ann Ranollo, tumayo ito bilang ama at ina sa kanilang magkakapatid mula pagkabata.

Isang Briton ang ama ni Bea at hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makilala ito. “Ang okay nang pagpapalaki sa amin ng nanay ko na hindi ka magre-resent na, ‘Ah, bakit wala kang tatay?’ Tapos kumpleto pa ‘yung pagmamahal na ibinibigay niya sa amin,” kwento ni Bea.

Si mommy Mary Ann din umano ang nagsisilbing inspirasyon kaya naging malaki ang impluwensiya nito sa dalaga. “Siya talaga ‘yung representation ko ng isang strong woman. Siya talaga ang rock ko. Feeling ko hindi rin ako magiging strong na babae kundi dahil sa kanya,” giit ni Bea.

Nasubukan nang hanapin at kilalanin ng aktres ang ama noong 2009 pero hindi ito naging matagumpay. “May point sa buhay ko na nagkaroon ako ng urge para hanapin siya, hindi ko makakalimutan ‘yon. Hanggang sa nagkaiyakan pa kami ng nanay ko. Parang ang ending, para kaming nasa eksena sa isang teleserye, nagkaiyakan kami. Tapos na-realize ko, parang na-guilty ako na inisip ko na, ‘Oo nga ibinigay na sa akin lahat ng nanay ko. Ano pa ang kulang, bakit pa ako naghahanap, okay naman ako,’” pagbabahagi ni Bea.

Masayang-masaya ang aktres dahil bukod sa mga tiyuhin ay marami rin siyang ama-amahan sa show business katulad nina Johnny Manahan at Laurenti Dyogi. “I think I’m so blessed na ganoon lagi ‘yung nangyayari sa buhay ko,” pagtatapos niya.

JM bumalik ang kakulitan dahil kay Barbie

Halos araw-araw na magkasama sa trabaho sina JM de Guzman at Barbie Imperial dahil sa taping ng teleseryeng Araw-Gabi.

Marami ang nagtatanong sa magkatambal ngayon kung posible rin ba silang magkagustuhan sa totoong buhay. “Basta, kasi masarap eh. Masaya kasi siya ngayon, masaya katrabaho, masaya maka-bond. So ang sarap na i-maintain nang gano’n. Minsan mapapaisip ka rin, ‘What if nga?’ Pwede ba? Single ka naman ngayon di ba?” nakangiting pahayag ni JM habang nakatingin kay Barbie.

“Minsan talaga ang sarap sapakin ng mga pinapangunahan kang mag-announce eh, ‘no,” natatawang sagot naman ni Barbie.

Matatandaang naugnay ang aktres kay Paul Salas at napabalitang magkarelasyon na diumano ang dalawa. Sa ngayon ay masaya lamang daw na magkasama sina Barbie at JM sa kanilang set. Ayon pa sa aktor ay nanumbalik ang pagiging makulit niya dahil sa dalaga. “Ang sakit sa ulo. Para akong bumalik sa grade school. Hindi pa ako naging ganito kakulit sa loob ng maraming taon,” makahulugang pahayag ni JM.

BEA ALONZO JM DE GUZMAN MARY ANN RANOLLO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with