Sens. Kiko at Chiz ayaw angkinin ang kayamanan ng mga misis!
(Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2018 - 12:00am

Marvin kumukulot ang boses pag nagtataray

Seen : Pangalawa si Senator Manny Pacquiao sa listahan ng pinakamayaman na senador sa Pilipinas dahil halos P3 billion ang kanyang net worth. Pangla­bing-isa ang Eat Bulaga host na si Senator Tito Sotto na may net worth na P64,730,400.

Scene : Hindi kasali sa net worth nina Senator Francis Pangilinan at Senator Francis Escudero ang mga ari-arian ng kanilang mga misis na sina Sharon Cuneta at Heart Evangelista, respectively, kaya  halos P13.5 million lang ang net worth ni Pangilinan at  mahigit sa walong milyong piso ang net worth ni Escudero.

Seen : Malapit si Marlo Mortel  kay Jenine Desiderio, ang nanay ng kanyang former loveteam na si Janella Salvador pero wala siyang alam tungkol sa feud ng mag-ina.

Scene : Ipinagdiwang kahapon ni Julie Anne San Jose ang 24th birthday niya. “Happy Birthday to you, my love

May all your days be filled with smiles and your world be full of pleasant surprises. Let’s continue this story and grow old together, shall we?” ang romantic birthday greeting kay Julie Anne ng kanyang boyfriend na si Benjamin Alves.

Seen : Suportado ni Robin Padilla ang senatorial bid sa susunod na taon ni Special Assistant to the President Christopher  ‘Bong’ ‘Go na nag-uumpisa nang mag-ikot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Scene : “ Kumukulot’ ang boses ni Marvin Agustin kapag galit na galit siya sa kanyang mga eksena sa Kambal, Karibal. Dapat matutunan ni Marvin ang pagkontrol sa kanyang boses  sa tuwing nire-require sa script na magalit at magtaray ang karakter niya.

Scene: Bulag ang isang mata ang role ni AiAi Delas Alas sa School Service, ang bagong indie movie niya na official entry sa Cinemalaya Film Festival 2018.

FRANCIS ESCUDERO FRANCIS PANGILINAN HEART EVANGELISTA SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with