Mariel hindi na kasing laki ng beywang ang legs!
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2018 - 12:00am

Actor/politician, hindi makalimutan ng mga aktres na nakatikiman

PIK: Masayang ibinalita ng dating Binibining Pilipinas-Universe Shamcey Supsup na four months pregnant na siya sa magiging pangalawang baby nila ni Lloyd Lee.

“We’re very happy also to welcome this new blessing in the family,” masaya niyang pahayag sa opening ng bagong burger house nilang mag-asawa sa Uptown BGC.

Nung unang pagbubuntis niya ay hirap siya dahil suka lang daw siya nang suka, ngayon naman sobrang ganado naman siyang kumain kaya tumataba na raw siya.

“I’m always hungry, as in every 2 hours, I have to eat.

“Everything that I see. Everything that I smell. Kahit katabi ko may kinakain, tapos pag nakita ko, kahit kakain ko lang, ‘Ay parang masarap yan!’ Hihingi ako,” natatawang kuwento ni Shamcey.

Baka next month daw ay malalaman na nila ang gender ng baby. Pero hoping sila na baby boy ito kung talagang ibibigay sa kanila ng Diyos.

PAK: Nakipagbalikan pala ang baguhang sexy actress sa da­ting dyowang actor/politician dahil love na love talaga niya.

Sa totoo lang, nung naghiwalay sila, nakita na nga si actor/politician na may iba nang magandang girl na ka-date. Pero lately, nakitang magkasama uli sina actor/politician at itong si baguhang sexy actress.

Sabi ng aming source, nagbalikan sila uli dahil hindi yata maka­limutan ni girl ang bonggang si actor/politician.

Sabi ng ilang girlilit na nakatikiman ni actor/politician, ang bongga naman daw kasi nito at ang sarap!

BOOM: Proud na proud na ngayon si Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang pagpayat dahil talagang tumaba raw siya nang husto pagkatapos niyang manganak.

Ibinahagi ni Mariel kung gaano siya kataba nung nagpapa-breastfeed daw siya kay baby Isabella nila ni Robin.

Nahirapan daw kasi talaga siyang magkagatas noon kaya kain daw siya nang kain para magkaroon lang para sa kanyang anak.

“Kahit hindi ako gutom, kakain ako.

“Kunwari, after ko mag-pump, kakain ako ng tinola para after nun may milk na naman.

“Kinarir ko talaga. I put my mind to it, na this is what I’m gonna do and I was able to do it naman. Yun nga lang, super talaga,” dagdag niyang pahayag.

Thankful daw siya kay Robin dahil buo raw ang suporta sa kanya at hindi ito nagrereklamo kahit super taba na siya.

Nabanggit pa ni Mariel na nung katabaan niya, ang isang hita pa lang daw niya 26 inches na, na kasinlaki ng baywang niya dati.

“Isang pata pa lang yan ha! Nakakaloka!” tili ni Mariel.

Saad pa ng actress/TV host; “I wouldn’t be able to do it kung hindi ako sinuportahan ni Robin. Kasi even during the time when I was super fat, not once na nag-complain siya. Not once na pinaramdam niya sa akin na pangit ako o ano.

“Alam niya na ginagawa ko ‘yun because I was willing to do that sacrifice for our baby. He was so proud of me, and that really matter the most.

“Alam mo ‘yung asawa ko naka-suporta sa akin 100 percent. So, yung ginawa ni Robin throughout this journey, sobrang pasasalamat talaga. Never siya nag-complain. Kaya yung bigote niya, never din ako nag-complain kasi hindi siya nag-complain nung mataba ako. So, hindi rin ako nag-complain dun sa bigote.”

Hoping si Mariel na makakabalik na siya sa trabaho. Baka sa it’s Showtime siya unang isasalang at sana raw kasama siyang maghu-host sa pagbabalik ng PBB.

MARIEL RODRIGUEZ-PADILLA SHAMCEY SUPSUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with