^

PSN Showbiz

Mga anak ni Aga six footer na agad!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Mga anak ni Aga six footer na agad!

Panay ang biro ni Aga Muhlach kay Mother Lily Monteverde nang ito’y dumating sa huling araw ng burol ng kanyang amang si Alvaro “Cheng” Muhlach sa Heri­tage Memorial Chapel sa Taguig City nung Lunes ng hapon.

“Kailan tayo gagawa ng movie, Mother?” pangungulit ni Aga sa Regal Matriarch.

Ipinakilala ni Aga kay Mother Lily ang kanilang kambal na anak ng wife niyang si Charlene na sina Atasha at Andres (16) at nagulat ang lady producer na malalaki na pala ang mga anak ng actor. Nagulat din si Mother Lily na kahit 16 pa lamang si Andres ay may taas na itong 6’1” na siya ring height ng panganay ni Aga (kay Janice de Belen) na si Luigi Muhlach kung kanino may tatlo nang apo ang actor.

Si Aga ay dumating one day bago sumakabilang-buhay ang kanyang ama.  Siya’y galing ng Greenland kung saan sila nag-shooting ni Alice Dixson ng bago nilang movie under Viva Films.

May sisimulan ding bagong movie si Aga sa bakuran ng Star Cinema na pagsasamahan naman nila ni Bea Alonzo.

Samantala, nakakalungkot isipin na nakumpleto lamang ang mga anak, mga apo at mga kapatid ng namayapang  ama ni Aga  sa burol mismo ni Cheng na da­la­wang araw lamang nagkaroon ng wake matapos itong i-cremate nung gabi ng Sabado, May 12.

Nakarating ang nakatatandang kapatid ni Cheng na si Amalia Fuentes sa Heritage Memorial Chapel bago ang cremation pero hindi nito nakuhang tingnan ang bunsong kapatid.  Sobra ang iyak ni Nena (Amalia) sa pagkawala ni Cheng pero naaliw naman ito nang makita ang isa pang nakababatang kapatid na si Alex Muhlach, ang mga anak nina Cheng at Alex pati mga apo.

Bukod kay Alyssa Martinez na siyang kasama ni Nena na dumalo sa burol ni Cheng, nasa Amerika ang dalawa pa niyang mga apo na sina Alyanna at Alfonso.

Zia at Robin kasal na lang ang kulang

Parang miyembro na ng pamilya ni Pops Fernandez ang turing sa girlfriend ng kanilang panganay na anak ng ex-husband niyang si Robin Nievera na si Zia Quizon. Si Zia ay anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa yumaong Come­dy King na si Dolphy.

Matagal-tagal na rin ang relasyon nina Robin at Zia at kasal na lamang ang kulang sa dalawa. Kung nanaisin ng dalawa na magpakasal ay hindi ito magiging problema sa kanilang respective families dahil welcome si Robin sa pamilya ni Zia ganundin naman si Zia sa pamilya ni Robin.

Sa tatlong anak ni Zsa Zsa na sina Karylle, Nicole at Zia ay si Karylle pa lamang ang may asawa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagkakaanak.

Si Nicole ay adopted daughter ni Zsa Zsa at ng kanyang namayapang partner na si Dolphy.

vuukle comment

AGA MUHLACH

LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with