Mother Lily & Maricel
Mother L jackpot sa Mommies!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2018 - 12:00am

Nagkita kami nina Mother Lily Monteverde at Ricky Lo sa isang coffee shop noong Martes dahil pinag-usapan namin ang talk show na type na i-produce ni Mother sa YouTube.

Saka ko na ikukuwento ang ibang mga detalye kapag okey na ang lahat dahil sa mas mahalaga sa akin na happy si Mother dahil confirmed na malakas sa takilya ang My 2 Mommies kaya lalong ginanahan siya na mag- produce ng mga pelikula.

Sinabi ni Mother na P14 million ang box office gross ng My 2 Mommies noong Linggo at kinabukasan, malakas pa rin ang pelikula nina Paolo Ballesteros, Solenn Heussaff at Maricel Soriano bilang special holiday dahil sa eleksyon sa barangay.

Hindi na ako pumunta sa victory at thanksgiving party ng My 2 Mommies pagkatapos ng meeting namin nina Mother at Papa Ricky.

Tama na yung muling ipinaramdam sa akin ni Mother ang kanyang “motherly love” na patunay na “she’s very very rich!”

Complete attendance ang cast ng My 2 Mommies sa victory at thanksgiving party.

May mga naglalambing na nga kay Mother na bigyan sila ng follow project na hindi malabo na mangyari dahil maraming pelikula ang gagawin ng Regal ngayong 2018.

Maricel ‘di nabawasan ang lakas

Umapir si Maricel Soriano sa victory party ng My 2 Mommies noong Martes.

Super good mood si Marya dahil feel na feel niya na welcome na welcome ng publiko ang kanyang pagbabalik-showbiz.

In fairness, na-miss talaga ng fans si Marya na matagal na nagpahinga pero mabilis na nakabalik dahil talented actress siya.

Excited na si Marya sa bagong pelikula na gagawin niya sa Regal dahil si Eric Quizon uli ang direktor. Waiting lang si Eric sa script ng pelikula na isinusulat ni Joey Reyes.

Biniro ni Marya si Eric na akala niya, special guest lang siya sa My 2 Mommies pero inabot ng tatlong araw ang shooting niya.

Special participation ang kategorya ni Marya sa My 2 Mommies pero sa lakas ng kanyang screen presence, parang isa siya sa mga bida at hindi sinasadya na nasapawan niya ang mga kasama sa eksena. Indeed, Maricel Soriano is Maricel Soriano!

Mukha ni Andi ayaw tantanan 

Katawa-tawa ang mga nagsasabi na may ipinaretoke sa mukha si Andi Eigenmann nang umapir ito bilang guest sa episode ng Celebrity Bluff ng GMA 7 na mapapanood sa May 26.

Kung hindi malabo ang mga mata, mga mema lang ang nagsasabi na nagpaayos ng mukha si Andi dahil ang litrato nito na nakanguso na lumabas sa social media ang ginamit nila na basehan.

Ang staff ng Celebrity Bluff ang makapagpapatunay na walang nagbago sa mukha ng anak ni Jaclyn Jose kaya pinagtatawanan lang nila ang pang-iintriga ng mga tsismosa.

‘Yung ibang mga legit news outlet, nakisawsaw rin sa isyu ng walang imbestigasyon na ginawa kaya ang ending, ang reputasyon at kredibilidad  nila ang nasira.

Ewan ko ba, ang tamad-tamad na ngayon ng ibang mga reporter.

Nakadepende na lang ang karamihan sa mga  writer at reporter nila sa mga nakikita sa social media na puwede naman basta matuto sila na mag-research o tanungin ang mga involved sa isyu at kontrobersya. Iwasan nila na nangongopya na nga sila, mali-mali pa!

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with