Say ni Bea, Gerald minsan lang magsabi ng nararamdaman
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2018 - 12:00am

Aminado si Bea Alonzo na may pinagdaanan ang relasyon nila ni Gerald Anderson kaya “technically single” umano ang aktres sa ngayon. Kahit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ay nag-uusap pa rin naman daw ang dalawa. 

“We’re talking, marami pang inaayos. It becomes a choice. I think it’s what I learned. Parang habang tumatanda kayo, it becomes a choice. Ang pinakaimportante ay kung hanggang kailan mo mapapanindigan ang choice mo. I think Tito Boy, in love, pain is inevitable. The moment you choose to fall in love, you choose to experience pain, and I think it all boils down to who you want to experience all of that. Doon naggo-grow ‘yung relationship, doon naggo-grow ang love. Ang love naman hindi lang puro saya eh. ‘Pag mas marami nga kayong pinagdaanan, mas strong ‘yung relationship. Kailangan paminsan-minsan, mayroon kayong pagdaanan at may matutunan kayo out of all of those things,” makahulugang paliwanag ni Bea.

Matatandaang unang naging magkasintahan ang dalawa noong 2010 at muling nagkama­butihan noong 2016. Para kay Bea ay na kay Gerald ang mga katangiang hinahanap ng mga babae sa isang kasintahan. “He’s a very res­ponsible man, pagdating sa pamilya niya, sa mga kaibigan niya, sa mga kasama niya. Lalaking-lalaki siya, he lets me talk about my feelings all the time. But minsan lang siya magsa­sabi ng nararamdaman niya but he communicates with me naman, he does, sa ibang paraan hindi lang sa salita,” pagbabahagi ni Bea.

 Glydel at Yayo kakaiba ang naranasan nang gumawa ng indie film 

Malapit na magkaibigan sa totoong buhay sina Glydel Mercado at Yayo Aguila. Nagkasama ang dalawa sa pelikulang Poon na isa sa mga kalahok sa Cine Filipino 2018 na nagtapos kahapon. Ibang-iba raw ang nasaksihan ng mga manonood sa kanilang proyekto dahil hindi sila magkaibigan dito. “I play the character of Claudia. Isa akong church servant na nakabili ng poon. Pareho kaming church servant ni Yayo pero hindi kami magkasundo,” bungad ni Glydel. “Yes, pareho kaming nag-serve sa church pero ayaw ko sa kanya kaya lagi kaming may clash sa kwento,”dagdag naman ni Yayo. 

Para sa aktres ay ka­ka­ibang karanasan na nakagawa siya ng pelikula na katrabaho ang isang malapit na kaibigan katulad ni Glydel. “Iba ‘yung feel, maganda kasi iba doon sa nakasanayan na drama. Kasi may kaunting kaba ka na nararamdaman sa bawat eksena na gagawin mo and maganda ito kasi personally nagkasama kami ni Glydel,” nakangi­ting pahayag ni Yayo. 

Aminado naman si Glydel na nahirapan siya sa nasabing independent film dahil sa kakaibang tema nito. “Nakagawa na rin naman ako ng horror movie, pero ito suspense thriller. Ngayon lang ako naka-experience na may katatakutan na object,” pagtatapos ni Glydel.  

BEA ALONZO GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with