Bossing tameme sa sanib-puwersa nila ni Coco
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2018 - 12:00am

PIK: Masayang-masaya si Mother Lily Monteverde nang naka­tsikahan namin sa contract-signing nina Brandon Vera at ng Hongkong actor na si Dennis To kamakailan lang dahil lalong lumakas daw ang My 2 Mommies nung nakaraang weekend.

Tama ngang pang-Mother’s Day ang naturang pelikula dahil nung mismong araw na ‘yun umabot daw ng mahigit 11M ang kinita, kaya sa huling press release nila, naka-35.5M na raw ito.

Sabi ni Mother Lily, balak daw niyang bigyan uli ng project na ididirek si Eric Quizon.

Napakagaan daw kasing katrabaho ni direk Eric at masuwerte ang pelikula niya.

PAK: Wala pa munang komento si Vic Sotto tungkol sa napabalitang magsasanib puwersa sila ni Coco Martin sa isang pelikulang isusumite nila sa upcoming Metro Manila Film Festival.

Iyun lang ang usap-usapan muna sa ngayon na ang narinig pa namin ay co-production daw nila kasama ang APT Entertainment.

Totoo bang hindi raw kasama rito ang OctoArts Films.

Madalas kasing mga pelikula ni Bossing Vic ay ka-join ang OctoArts. Hindi kaya sasama naman ang loob ni Boss Orly Ilacad kung hindi siya isasali sa proyektong ito?

BOOM: Makakatanggap pala si direk Joel Lamangan ng malaking halaga bilang Human Rights claim niya mula sa pamilya Marcos.

Tinanong namin kay direk Joel ang malaking halagang iyun, pero sinita kami ni direk. “Naku! Huwag mo nang i-broadcast yun!” tili sa amin ng direktor ng bagong musical na Binondo: A  Tsinoy Musical.

Si direk Joel ay isa sa mga nabiktima nung panahon ng Martial Law na kung saan dalawang beses siyang nakulong at nakaranas ng matinding torture.

Kasama si direk Joel sa sinasabi nilang First Quarter Storm na kung saan makakatanggap sila ng pera bilang claim sa mga kahirapang dina­nas nila nung Martial Law.

Nakipagkita si direk Joel sa ilang human rights victims nung nakaraang Sabado, May 12 sa University Hotel, Diliman, Quezon City, para mapag-usapan ang pagkuha nila ng claim. Ang iba raw ay nakakuha na, pero ang sa kanya ay hindi pa raw naibigay.

Paliwanag ni direk Joel; “Nagbuo ng Claimants Right Victims Department, at yung nabigyan ng corresponding amount para dun sa kanilang pinaghirapan…yung mga na-torture, yung mga namatay, yung mga namatayan ng magulang, kapatid. Yun binigyan.”

Pero nilinaw ni direk Joel na kung sakaling makakuha siya ng ganun kalaking halaga, hindi ibig sabihin kabayaran iyun sa mga pinagdaanan niya nung nakaraang Martial Law.

“Walang katumbas na halaga yun. Yung hirap namin dun, walang katumbas yun.

“Mabuti nga yun naibigay pa. Yung iba namamatay na, matanda na hindi pa naibigay,” pakli niya.

Hindi pa rin daw nagbago ang pagtingin niya sa pamilya Marcos. Dapat na panagutan pa rin daw nila ang lahat na mga ginawa nila nung panahong iyun.

“Dapat hindi na maulit yung ginawa ni Marcos.

“Hanggang ngayon hindi pa naman nila sinosoli yung mga kayamanang kinuha nila. Hindi nasoli sa gobyerno,” dagdag na pahayag ni direk Joel Lamangan.

COCO MARTIN METRO MANILA FILM FESTIVAL VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with