Cheng Muhlach inilibing na!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2018 - 12:00am

Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang ama ng magkakapatid na Arlene, Aga, Albert, Almira, Aaron (Barok), AJ, Andrea at Andrew Muhlach na si Alvaro “Cheng” Muhlach (74) sa Heritage Memorial Park kaha­pon ng hapon, May 15 matapos ang 4 p.m. mass.

Si Cheng ang bunsong kapatid ng veteran actress na si Amalia Fuentes at ama ni Niño na si Alex Muhlach.

Sa huling wake ni Cheng last Monday afternoon ay inabutan namin doon sina Mother Lily Monteverde, dating Speaker Joe de Venecia, Lotlot de Leon and her Lebanese partner na si Fred El Soury, ang vete­ran actress na si Perla Bautista, Jenine Desiderio, Irma Adlawan, Chinkee TanKapuso ta­lent na si Kristoffer Martin at iba pa.

Ang huling wake ni Cheng ay siya namang unang araw ng wake ni Sen. Edgardo Angara na sa Heri­tage Memorial Chapel din ang burol kaya pagkatapos naming dumalaw sa wake ni Cheng ay dumaan na kami sa burol ng namayapang dating senate pre­sident kasama sina Mother Lily, Ricky Lo, Ronald Constantino at Manay Lolit Solis.

Ang mag-asawang Sen. Sonny at Tootsy Angara ang humaharap sa mga bisita.

Dagsa ang tao sa burol ng dating Senate President na karamihan ay nagmula sa larangan ng pulitika at negosyo.

BeauteDerm magbubukas na sa abroad

Inamin ng young successful entrepreneur na si Rhea “Rei” Ramos Ani­coche-Tan na nagsimula sa kanyang mga showbiz friend kung bakit mabilis na nakilala ang mga BeauteDerm products now numbering to more than 60 va­riants.

Ayon kay Rei, sinimulan niya sa kanyang mga kaibigan sa showbiz tulad nina Shyr Valdez, Alma Concepcion, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Matt Evans, Carlo Aquino at iba pa sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito sa kanyang mga initial products ng Beaute­Derm.

Dahil sa mga ito, unti-unting nakikita ang mga pro­dukto kaya nung isang taon ay nagdesis­yon na si Rei na kunin na ang serbisyo ng mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez bilang first official ambassador ng BeauteDerm at kamakailan lang ay kinuha rin niya ang serbisyo ng panganay ni Sylvia, ang actor na si Arjo Atayde na maging celebrity endorser naman ng first perfume line (for male) ng origin series na Alpha, Radix at Dawn. She also signed up her friends na sina Matt Evans at Carlo Aquino.

Rei has already 15 branches ng BeauteDerm sa buong Pilipinas now nearing 30 bago magtapos ang taong kasakuluyan. Magbubukas na rin ang Beaute­Derm branch in Hong Kong and Singapore.

AMALIA FUENTES CHENG MUHLACH
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with