^

PSN Showbiz

Dennis aalukin na ng kasal si Jennylyn?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Dennis aalukin na  ng kasal si Jennylyn?!
Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

Pasabog sa birthday ng actress

Kilig na kilig ang fans sa lambingan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Balesin island na kanilang ipinost sa Instagram.

Isa sa photo ng dalawa na kinakiligan ng DenJen fans ay ‘yung nasa tabi sila ng dagat at magkayakap. Lalong naging sweet ang picture dahil sa background na palubog na ang araw.

Kasama nina Dennis at Jennylyn sa Balesin ang kani-kanyang pamilya. Nasa IG story ni Jennylyn na kinukunan ng video ni Dennis ang ama niya habang nagpa-piano at kumakanta. Sabi ng aktres, bonding time nina Dennis at dad niya ang music at ang pag-uusap sa Cebuano naman ang nagpalapit sa dad niya at dad ni Dennis.

Ang inaabangan ng DenJen fans ay kung magkakaroon ng marriage proposal si Dennis kay Jennylyn sa birthday nito ngayong araw. Dahil kumpleto ang kanilang pamilya at baka may pasabog ang dalawa.

Karamihan din sa nag-comment ay showbiz friends ng dala­wa na waiting din kung kailan ikakasal sina Dennis at Jennylyn.

Sen. Chiz nagpasalamat sa mga bumati

Nabasa namin ang tweet ni Sen. Chiz Escudero na “Salamat po sa lahat ng bumati kaugnay ng pagiging tatay at nanay na namin ni Heart...God is good!!!:).” Sinundan ito ng greetings niyang “Happy mother’s day to all the mothers and mothers-to-be especially to my darling.”

Nangako naman si Heart na magse-share siya sa kanyang followers sa IG ng balita sa kanyang pagbubuntis. “I’m overwhelmed by all the kind words and congratulations. Don’t worry, you’ll be seeing more from me from now on. I can’t wait to share with you this exciting new part of my life.”

Rhian inisnab ang world premiere ng pelikula sa Cannes

Noong May 12, ang world premiere ng pelikulang The Tri­gonal sa Cannes, France. Tampok sa Martial Arts Thriller si Ian Taylor Ignacio at kapareha niya si Rhian Ramos sa direc­tion ni Vincent Soberano.

Nakwento ni Rhian sa isang press visit namin sa taping ng The One That Got Away ang world premiere ng movie na kasama siya sa Cannes, pero that time, hindi pa siya sure kung dadalo ang cast o baka ang lead actor na lang at ang director. Very proud si Rhian sa nasabing pelikula.

Anyway, sa halip na sa France, nasa Thailand si Rhian noong May 12, dumalo siya sa 10th wedding anniversary ng British dad niya at ng Thai wife nito. Ang ganda ng message ni Rhian sa dad at stepmom niya at sa last part ng message, nakasulat ang “Mahal ko kayong dala­wa Daddio, Nuan. Mahal ko ang pamilya natin.”

Samantala, sa Friday na ang ending ng TOTGA. May request pa nga ang viewers sa GMA 7 na ituloy ang love team nina Rhian at Jason Abalos sa next show nila. Huwag daw sanang sayangin ang chemistry ng dalawa at ang nabuong fans ng love team nila.

Gladys nahirapan sa sampalan nila ni Barbie

“Puwede ako sa ABS-CBN at puwede sa GMA 7,” sagot ni Gladys Reyes sa tanong kung saan siya mas komportableng magtrabaho sa two networks. “Hindi ako Kapamilya o Kapuso, ako ay Katrabaho, kung saan ako may trabaho doon ako. Hindi tayo pwedeng mag-relax, kung saan may offer, doon tayo,” patuloy ni Gladys.

Sa ngayon, Kapuso si Gladys dahil kasama siya sa cast ng rom-com series na Inday Will Always Love You na kung saan, balik-kontrabida siya. Nag-i-enjoy siya sa kanyang role dahil matagal na siyang hindi nananakit sa eksena. Sa rom-com series na magpa-pilot sa May 21, si Barbie Forteza ang sasaktan at aapihin niya.

May eksenang hinulog niya sa second floor ng mansion si Barbie. Ayon kay Gladys, mahirap daw gawin ang eksena kahit may double sila dahil ‘yung sampalan at sabunutan na totoo nilang ginawa ay nakakapagod gawin.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with