^

PSN Showbiz

Paulo maselan ang ginawa kila bea

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Paulo maselan  ang ginawa kila bea
Paulo Avelino

Sa Miyerkules ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Kasal na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Derek Ramsay at Paulo Avelino. Para kay Paulo ay dapat pakaabangan ng kanyang mga tagahanga ang nasabing proyekto dahil kakaiba ito sa kanyang mga nagawa noon. May ilang maseselan na eksena rin umano ang ginawa ng aktor para sa pelikula. “Merong konti kasi hindi naman siya romantic comedy movie. It’s very ‘now’ story,” giit niya.

Samantala, masaya si Paulo sa ginawang paglipat ni Ryza Cenon sa ABS-CBN kamakailan. Parehong produkto ang dalawa ng isang reality show sa GMA noon. Nagkita na rin sina Paulo at Ryza sa bakuran ng Kapamilya network. “Nakita ko siya but I forgot when. Of course I welcomed her. Sabi ko, ‘Welcome to ABS-CBN’,” naka­ngiting kwento ni Paulo.

Ngayong magkasama na sa isang TV network ay nangangarap din ang aktor na makasama si Ryza sa isang proyekto. “Mukha naman na hindi kami malabo magkatrabaho. Knowing sa mga na-produce na projects ng ABS-CBN, hindi malabo na kami ay magkatrabaho,” pagtatapos ng aktor.

Ian ayaw makipag-selfie kapag may pawis-pawis at kasama ang pamilya

Kung siya lamang umano ang masusunod ay mas gusto raw ni Ian Veneracion na mayakap na lamang ang kanyang mga tagahanga kaysa mag-selfie na kasama siya gamit ang kamera. Para sa aktor ay mas mabuting naibabalik o naipararam­dam sa mga tagahanga ang pagmamahal ng kanilang idolo. “I’d rather have hugs than selfies, may connection. If only I could turn those selfies into hugs, I’d be the happiest person in showbiz. Kasi when you’re having selfies, it’s just you and the screen on your cellphones. All the time, the one taking the picture is not even looking at you. Then it’s over, no connection at all,” makahulugang paliwanag ni Ian.

May mga pagkakataong tumatanggi na ang aktor sa mga tagahangang nagtatangkang magkaroon ng selfie kasama siya. “When I’m riding a bike, hindi pa ako nagsusuklay, amoy araw. When I’m having dinner with my kids, hindi naman sila showbiz. Kung may mag-approach, minsan I beg off,” kwento ni Ian.

 Alam din ng aktor na napagkakamalan siyang suplado dahil sa pagtanggi niyang magpakuha ng larawan kasama ang mga tagahanga. “I’m sure may nagsabi na but there’s a time and place for everything. I’d refuse but I’d tell them, ‘Can I just have a hug?’” dagdag pa niya.

vuukle comment

BEA ALONZO

DEREK RAMSAY

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with