^

PSN Showbiz

Loisa nagsalita sa away nila ni Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Loisa nagsalita sa away nila ni Julia
Loisa at Julia

Nagsalita na si Loisa Andalio tungkol sa naging bangayan sa social media sa pagitan ng kanyang mga tagahanga at ni Julia Barretto. Ayon kay Loisa ay pinagsabihan naman niya ang mga tagahanga dahil sa mga naganap. “Hindi ko po talaga kinukunsinti ‘yung pag-aaway nila sa social media. Ako po Tito Boy talaga personally sinasabi ko sa kanila na good vibes lang. Dapat kayo maging sensitive sa mga tweet n’yo kasi may mga tao na naapektuhan,” paliwanag ni Loisa.

Nakapag-usap na rin umano sina Julia at Loisa tungkol sa mga nangyari. “Gabi po ‘yun, una tumawag po siya. Medyo late na po ‘yon kaya hindi ko na nabasa. May work po ako no’n, simpleng pa-text-text lang po. Tapos sinabi niya na, ‘Hi! Loisa, this is Julia.’  Sabi niya, ‘Can I call you?’ Sabi niya gusto lang daw niyang i-explain ‘yung mga tweet na hindi daw po ‘yun para sa akin. Sabi ko naman po sa kanya na okay lang ‘yun, sa akin wala ‘yun. Kasi hindi ko rin naman inisip na para sa akin ‘yon. ‘Yung tsinek ko nakita ko lang na may nagta-tag lang sa akin,” kwento ni Loisa.

Para sa dalaga ay maayos ang turingan nilang dalawa ni Julia kaya walang tensyon sa pagitan nila. “Sinabi rin namin na ‘wag kaming magpapaapekto sa mga fans. Sobrang okay po talaga kami na ‘pag nagkikita po kami nagbabatian kami,” paglilinaw ni Loisa.

Samantala, matatandaang naugnay sa aktres si Joshua Garcia noon na kasintahan naman ni Julia ngayon. “Okay naman po kami ‘pag nagkakasama po kami sa The Good Son. Habang tumatagal ‘yung show, mas nagiging kumportable din po kami,” pagtatapos ni Loisa.

Jodi maraming bagong nadiskubre kay Richard

Nahihirapan na si Jodi Sta. Maria sa teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso na pinagbibidahan nila nina Richard Yap at Robin Padilla. Dalawang magkaibang karakter ang mga ginagampanan ng aktres kaya kakaibang challenge ang nararanasan niya ngayon. “Mahirap siya especially ngayon tatlo na sila. Meron kang Mona, meron kang Lisa at meron kang Mona na nagpapanggap na siya si Lisa. So it’s just siguro when you come to the set kailangan ko i-condition ang sarili ko kung sino ba ako today. Masaya siya, challenging,” nakangiting pahayag ni Jodi.

Samantala, maraming mga bagay pa raw ang nadidiskubre ng aktres kay Richard sa muli nilang pagtatambal ngayon. Unang pumatok ang tambalan ng dalawa sa seryeng Be Careful With My Heart ilang taon na ang nakalilipas. “We’ve been together for so long. We’re more open to each other. We speak more freely, we have a deeper friendship. Ang na-discover ko kay Richard, at his age napaka-sharp ng memory, compliment ‘yon,” natatawang kwento ni Jodi. “Through the years, si Richard nag-improve siya as an actor,” dagdag pa niya.    

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with