Richard iniurong muna ang kasal kay Sarah
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2018 - 12:00am

Nasa pangangalaga na ng Star Magic si Richard Gutierrez ngayon. Ayon sa aktor ay desisyon na rin ng inang si Annabelle Rama ang naging paglipat niya sa nasabing talent management.

“My mom decided to collaborate with Star Magic. Obviously it is the premiere talent management in the country. I’ve always wanted to work with them. They were able to make stars. They know what they are doing. I trust them. My mom din kind of wants to slow down, retire na and enjoy life and enjoy her grand kids. Ayaw na niya masyado magpa-pressure in managing,” nakangiting pahayag ni Richard.

Samantala, maaantala umano ang planong pagpapakasal ng aktor at kasintahan at ina ng dalawang anak na si Sarah Lahbati. “Medyo na-push back lang ‘yung wedding. Of course we are planning it. We are talking about it but now, lahat ng attention namin nasa baby, and this opportunity to work with ABS-CBN. We will get to the wedding soon,” pagbabahagi ni Richard.

Sa ngayon ay abala sina Sarah at Richard sa pag-aalaga sa kanilang bagong silang na anak na si Kai. “He’s very healthy, very long baby. I think he’s gonna be taller than Zion. He’s a big baby. A few months pa lang siya so maraming sleepless nights pero worth it ‘yung pagod,” kwento ng aktor.

Limang taon na ngayon ang panganay nilang anak na si Zion at nakikita raw ni Richard na nag-a-adjust pa ito sa pagkakaroon ng nakababatang kapatid. “We try to make Zion involved sa pagpapalaki kay Kai as much as possible. Nasanay si Zion na lahat ng attention nasa kanya and then may bagong baby. It’s still the adjustment period. So tina-try pa rin naming i-balance ‘yon. But more that anything, masaya kami sa bahay,” pagtatapos niya.

Jolina ang daming nararamdaman kahit manganganak na

Sa susunod na buwan ay iluluwal na ni Jolina Magdangal ang kanilang pangalawang anak ni Mark Escueta. Ayon sa TV host ay mas maselan umano ang kanyang pagbubuntis ngayon sa babaeng anak kumpara noong ipinagbuntis ang panganay na anak na si Pele. “’Yung spotting mas madami ngayon kaya mas iniingatan ko. Mas marami akong nararamdaman ngayon na hindi okay. Mas hindi ko naman naramdaman na ang haba ng nine months,” nakangiting kwento ni Jolina.

Hindi raw hinahayaan ng mag-asawa na maramdaman ni Pele na naaagaw na ang atensyon nila dahil sa pagkakaroon ng pangalawang anak. “Parang nire-remind ko pa rin siya lagi na love ko siya. Kasi ayaw kong ma-feel niya ever, kahit konti na may pangalawa na. ‘Ano nang nangyari sa akin?’ Kaya sinasama ko siya sa pag-alaga ng tiyan ko, parang gano’n,” pagbabahagi ni Jolina.

ANNABELLE RAMA RICHARD GUTIERREZ STAR MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with