^

PSN Showbiz

Jameson umaaray na sa bashing!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jameson umaaray na sa bashing!
Jameson

Nakaranas umano si Jameson Blake ng pamba-bash mula sa mga tagahanga ng tambalan nina Janella Salvador at Elmo Magalona. Ang Hashtags member ang katambal ng aktres sa pelikulang So Connected na ipalalabas sa mga sinehan simula May 23.

“There was this time na when I greeted Janella sa IG (Instagram) and I used her name, Trisha (karakter ni Janella sa pelikula), people were thinking na I was promoting the movie. They’re telling me na, ‘Why don’t you just let Janella enjoy her day with Elmo?’ and stuff. I don’t mind, of course and they were saying na user ako. Ginagamit ko lang siya para sumikat ako,” kwento ni Jameson. Ayon sa aktor ay binati lamang niya si Janella noong araw na iyon dahil kaarawan ng dalaga. Naintindihan ni Jameson ang naging reaksyon sa kanya mula sa mga sumusuporta sa ElNella. “I just want to tell them na it’s just a movie naman. Before they say anything let them watch it muna,” giit ng aktor.

Samantala, nagpaliwanag naman si Janella dahil sa mga pangyayari. “Siyempre naman, hindi maiiwasan that they felt bad, they felt hurt and some of them, of course released some hurtful words. Naiintindihan ko rin naman, siyempre they would get hurt because they’re rooting for the two people to be together and naghiwalay. At the same time, I understand them. Sana lang, if they don’t like to support the movie, don’t say hurtful words na lang,” paglilinaw ni Janella.

Maymay, Inuudyukang sumabak sa Asia’s Next Top Model

Marami ang humihikayat kay Maymay Entrata ngayon na subukang sumali sa susunod na season ng Asia’s Next Top Model. Ilang beses nang nakapag-cover sa magazines ang baguhang aktres kaya nakitaan ng potensyal ang dalaga. Para naman kay Maymay ay hindi pa siya nakahandang sumabak para dito. “Unang-una nagpapasalamat po ako sa lahat ng nakaka-appreciate. Kailangan ko pa talaga ng kaunting training. Kasi ‘yung talent bonus ‘yan pero ‘yung skills ng pagiging modelo, medyo kailangan dapat i-enhance talaga nang mabuti. Kaya ang masasabi ko po sa ngayon, hindi pa talaga ako handa diyan,” naka­ngiting pahayag ni Maymay.

Kamakailan ay napabilang ang mga larawan ng aktres sa ‘Wish List’ ng Asia’s Next Top Model Cycle 6 Facebook fan page. Hindi naman isinasara ng dalaga ang posibilidad na mangyayari din ito sa takdang panahon. “Kung bibigyan ako ng pagkakataon sa susunod na mga taon at handa na ako, oo, bakit naman hindi?” pagtatapos ni Maymay.

vuukle comment

JAMESON BLAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with