Luis at Jessy
Jessy nag-expect ng proposal nung birthday ni Luis?!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2018 - 12:00am

‘Kakainis naman na marami na ang na­iinip at bitin na bitin sa paghihintay ng proposal ni Luis Manzano kay Jessy Mendiola.

Nakaraan na naman ‘yung inorga­nisa ni Jessy na surprise birthday celebration para kay Luis na kung saan ay masayang nagsama-sama ang mga Recto at Manzano pero, nga­nga pa rin ang seksing aktres dahil wala siyang natanggap na proposal mula kay Luis. Para hindi siya mainip, sumama siya sa tropa ng FPJ’s Ang Probin­syano bilang love interest ni Coco Martin.

Lalong sumeksi si Jessy. Hindi naman naga­wang maitago ng kanyang nurse costume sa serye ang katotohanang ito, kahit napapaligiran siya ng mga hanggang ngayon ay nagsiseksihang Viva Hot Babes.

Roderick gusto na uling magkadatung

Na-realize marahil ni Roderick Paulate na hindi niya kailangang talikuran completely ang kanyang showbiz career. Nakita na siguro niya na mas fulfIling ito at hindi pa siya mapagbibintangan ng kung anu-anong kasalanang kapalit ng magandang serbisyo na ibinibigay niya. Tulad ni Ice Seguerra who only need to sing at meron na siyang pera, binabalikan ni Dick ang kanyang pag-aartista via an indie film. Makakasama niya rito si Celeste Legaspi. Wish niya na makagawa ng project kasama ang BFF niyang si Maricel Soriano.

Award ni Vice pinagpapasa-pasahan?!

Kaya naman pala nag-iingay si Vice Ganda dahil may mga nagkokomento ng hindi maganda sa pagkakapili sa kanya ng pamilya Quizon para gawaran ng Dolphy Memorial Award sa gaganaping FAMAS awards.

Hindi rin marahil nakakabuti sa sikat na komed­yante ang sagot ng isang miyembro ng nasabing awards giving body na hindi sila kung hindi ang pa­mil­ya ng namayapang komedyante ang humirang kay Vice para sa naturang award.

Parang basketball, pasahan ng bola. Nakakainsulto nga naman sa tatanggap ng parangal.

Sarah hinihintay kung kakayaning mag-retire

Makaya naman kaya ni Sarah Geronimo ang inaasahang pagreretiro niya ng maaga bilang solus­yon sa masyadong pagkapagod niya sa kanyang karera? Kung gugustuhin niyang gawin ito ay maiintindihan naman siya ng mga supporter niya.

Ang tanong ay kung kakayanin ba niya, at ano ang gagawin niya? Pwede siyang magnegosyo, o mag-asawa na. Matutuwa pa siguro si Matteo Gui­dicelli kung papayag siyang magpakasal dito.

Pero, matutuwa din ba siya?

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with